Iskandalo ng 2007 halalan
Ang Iskandalo ng 2007 halalan ang sinasabing pagsabotahe ng mag-asawang Gloria Macapagal-Arroyo at Mike Arroyo noong 2007 halalan ng pagka-senador.
Noong 2007 halalan, sinasabing iniutos ni Pangulong Arroyo kay gobernador Andal Ampatuan, Sr. na masigurong ang tatlong kandidato ng oposisyon na sina Benigno S. Aquino III, Panfilo Lacson, at Alan Peter Cayetano ay walang makakuhang boto sa Maguindanao. Ito ang tanging probinsiya sa Pilipinas na nagbigay ng 12-0 pagkapanalo sa Team Unity ni Arroyo. Inamin naman ni Zaldy Ampatuan na gobernador ng ARMM na inutos ni Arroyo na ilipat ang boto ng 3 kandidato ng oposisyon kay Juan Miguel Zubiri na nagbitiw sa pagiging senador noong Agosto 3, 2011. Inamin rin ni Ampatuan na ang kanyang ama ay tumanggap ng suhol mula kay Mike Arroyo noong 2007 halalan. Noong 2011, ang dating supervisor ng halalan sa Maguindanao noong 2007 na si Lintang Bedol ay umamin sa nangyaring pandaraya noong 2007 halalan. Ayon kay Bedol, ang mga pekeng balota at mga election return ay dinala mula sa Maynila at ang dating COMELEC chair na si Benjamin Abalos at mga Comelec commissioner Nicodemo Ferrer at Rene Sarmiento ay nagpunta sa General Santos City upang i-authenticate ang mga pekeng election return para sa mga iba't ibang bayan sa Maguindano.
Noong 2011, si Aquilino Pimentel III ang pinroklamang nagwaging ika-12 kandidato ng 2007 halalan ng pagka-senado.
Pagdakip kay Arroyo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 2011, dinakip si Arroyo matapos sampahan ng kasong pandaraya noong 2007 halalan ng pagka-senador.[1]