Pumunta sa nilalaman

Iskuwater

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Iskwater)
Mga iskuwater sa kahabaan ng mga riles ng PNR sa Maynila.

Ang iskuwater[1] (mula sa Ingles na "squatter"; literal na mga taong "tumatalungko") ay mga taong naninirahan sa lupa na pag-aari ng ibang tao, partikular na kung ang lupa ay hindi ginagamit o pinabayaan na ng may-ari. Ang mga taong iskwater ay kabilang sa mga taong walang sariling tirahan o matutuluyan dahil sa kahirapan ng buhay.

Isang pangunahing usapin sa Pilipinas ang pagtatalungko (o pagtitira sa lupa na pag-aari ng ibang tao), lalo na (ngunit hindi lamang) sa mga pook urbano. Unang nakamit ng pansin ang pagtatalungko pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang nawasak ng digmaan ang mga kabahayan at nawalan sila ng mga tirahan. Nagtayo sila ng mga pansamantalang bahay na tinawag na "barong-barong" sa loob ng mga naiwang pribadong lupain.[2]

Noong huling bahagi ng ika-20 dantaon, lumaki ang populasyon ng iskuwater ngunit sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na ilipat ang ilang mga iskuwater sa mga mababang-halaga na mga proyektong pabahay, tulad ng mga proyekto sa Tondo (sa dating tambakan ng basura na Smokey Mountain), Taguig (Proyektong Pabahay ng BLISS), at Rodriguez, Rizal.

Ang batas ng Pilipinas, at kadalasan ang lipunan, ay nagtatangi sa pagitan ng mga iskuwater na tumatalungko dahil sa kahirapan at mga "propesyonal na iskuwater" na tumatalungko sa pag-asang makakuha ng kabayaran upang lisanin ang lupa.[3]

Kadalasan, tinutukoy ng mga Pilipinong midya at mamamahayag ang mga iskuwater bilang mga "informal settlers". [4][5]

  1. Almario, Virgilio, pat. (2010). "iskuwater". UP Diksyonaryong Filipino (ika-2 (na) edisyon). UP-Sentro ng Wikang Filipino-Diliman – sa pamamagitan ni/ng Diksiyonaryo.ph.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Manila | national capital, Philippines". Encyclopedia Britannica. Nakuha noong 2017-01-17.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Padron:Cite act
  4. "From 'Squatters' Into 'Informal Settlers'". Philippine Human Rights Information Center. Pinyahan, Quezon City. Setyembre 6, 2014. Inarkibo mula sa ang orihinal noong Nobyembre 23, 2018. Nakuha noong Marso 2, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Shahani, Lila Ramos (Abril 10, 2012). "Manila's biggest challenge". Views. Rappler. Oranbo, Pasig. Nakuha noong Marso 2, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

TaoLipunanEkonomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Lipunan at Ekonomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.