Islamismo
Islamismo (Islam+-ismo; Arabe: إسلام سياسي Islām siyāsī, "Pampolitika na Islam", o الإسلامية al-Islāmīyah) ang ideolohiya na nagtataguyod ng relihiyong Islam bilang ideolohiyang pampolitika at relihiyon. Ang mga Islamista ay nagbibigay diin sa pagpapatupad ng Sharia (batas Islamiko), pagkakaisang pampolitika na pan-Islamiko, paglipol sa mga hindi Muslim partikular na ang militar ng mga bansang Kanluranin, mga impluwensiyang pampolitika, panlipunan at kultural sa daigdig na Muslim.[1]
Ang pangunahing tagapagtaguyod ng Islamismo sa modernong panahon ay kinabibilangan nina Sayyid Qutb, Hasan al-Banna, Abul Ala Maududi,[2] Taqiuddin al-Nabhani, Ayatollah Ruhollah Khomeini at Navvab Safavi.
Ang Islamismo ay hindi isang nagkakaisang kilusan at may iba't ibang mga anyo at sumasaklaw sa malawak na mga stratehiya at taktika. Ang mga katamtamang repormista at gumagawa sa loob ng prosesong demokratiko ay kinabibilangan ng Justice and Development Party of Turkey, may akda at repormer na Tunisian na si Rashid Al-Ghannouchi at ang pinuno ng oposisyon ng Malaysia na si Anwar Ibrahim. Ang Islamistang pangkat na Hezbollah sa Lebanon ay lumalahok sa parehong mga eleksiyon at mga pag-atakeng armado at naghahangad na buwagin ang estado ng Israel. Ang mga pangkat gaya ng Jamaat-e-Islami ng Pakistan at ang Sudanese Brotherhood ay pumapayag sa isang taas-babang daan sa kapangyarihan sa pamamagitan ng militar na coup d'état.[3] Ang radikal na Islamistang al-Qaeda at Egyptian Islamic Jihad ay buong tumatakwil sa demokrasya at ng mga Muslim na hindi radikal. Ang mga radikal na ito ay nangangaral ng marahas na jihad at humihikayat sa pagsasagawa ng mga pag-atakeng terorismo sa basehan ng relihiyong Islam. Ang isa pang dibisyon sa Islamismo ang sa pagitan ng mga pundamentalistang "nag-iingat ng tradisyon" ng Salafismo o Wahabismo at nangungunang pangkat ng pagbabago na nakasentro sa Muslim Brotherhood.[4] Ayon kay Olivier Roy, ang Sunni pan-Islamismo ay sumailalim sa isang kahanga hangang paglipat sa ikalawang kalahati ng ika-20 siglo nang ang kilusang Muslim Brotherhood at ang pokus sa Islamisasyon ng pan-Arabismo ay natakpan ng kilusang Salafi sa pagbibigay diin nito sa sharia kesa sa pagtatayo ng mga institusyong Islamiko at pagtatakwil ng Islam na Shia.[5]
Sa Pilipinas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Qutbism: An Ideology of Islamic-Fascism by DALE C. EIKMEIER From Parameters, Spring 2007, pp. 85-98. Accessed 6 Pebrero 2012
- ↑ Fuller, Graham E., The Future of Political Islam, Palgrave MacMillan, (2003), p.120
- ↑ Roy, Failure of Political Islam, (1994), p.24
- ↑ Fuller, The Future of Political Islam, (2003), p.194-5
- ↑ Roy, Olivier, The Politics of Chaos in the Middle East, Columbia University Press, (2008), p.92-3