Ismael Mathay Sr. High School
14°40′31.2″N 121°1′20″E / 14.675333°N 121.02222°E
Ang Ismael Mathay Sr. High School, na dating tinawag na GSIS Village High School, ay isang mataas na paaralan na nakatagpo sa Lungsod Quezon, Pilipinas at mas kilala bilang IMSHS o Mathay. Kilala ang mga mag-aaral at mga alumni bilang "Ismaelians". The Village Bounty ang opisyal na pahayagan ng mataas na paaralan na nabuo noong 1971 ng mga mag-aaral na tagapagbunsod, ngunit biglaan na lamang, nagkaroon ng dalawang pahayagan sa kasalukuyan sa IMSHS - The Progress para sa Ingles na Pamamahayag at Sandigan para sa Pilipinong Pamamahayag.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1971, nagpetisyon ang mga magulang sa GSIS Village, Project 8, Lungsod Quezon para sa isang mataas na paaralan sa loob ng baranggay upang hindi kailangang maglakbay ang kanilang mga anak papunta sa lungsod para sa paaralan. Mayamaya sa taong iyon, inaprubahan ng pamahalaang lungsod ang pagsasaayos ng ikalawang palapag ng pampublikong merkado ng GSIS Village (palengke) upang bumuo ng paaralan na may walong silid, ang GSIS Village High School. Ang orihinal na lokasyon ay nasa 14°40′20″N 121°1′11″E / 14.67222°N 121.01972°E
Orihinal na pinamunuan ang GSIS Village High School ni Regina I. Novales (1971-73). Pinalitan siya ni Jose V. Aguilar na may titulong division supervisor-in-charge noong 1974.
Noong 1976, nasunog ang palengke at ang eskuwelahang kasama nito.
Habang alkalde ng Lungsod Quezon (1992-2001) si Ismael A. Mathay Jr., muling pinangalanan ang GSIS Village High School sa kanyang patay na ama, abogado Ismael Mathay Sr.[1]
Ismael Mathay Sr.
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ismael Mathay Sr. ay isang Pilipinong estadista. Noong 1944, hinirang siya ni Sergio Osmeña, Pangalawang Pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas bilang Komisyonado ng Badyet at Pananalapi para sa Gabinete ng Digmaan (1944-45)[2] at mamaya bilang Kalihim ng Badyet (1945-46).[3] Noong dekada 1960, humawak si Ismael Mathay Sr. ng posisyon ng pangkalahatang tagasuri, direktor ng lupon, at punong tagapamahala ng National Marketing Corporation.[4] Nag-aral siya ng batas at ipinasok sa Philippine Bar noong 16 Enero 1925.[5]
Mga baitang
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ika-7 hanggang 12 baitang
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Prado, George Magno. "Kids in the Attic... a remarkable story". Nakuha noong 2009-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "CALL NUMBER: LC-USW3- 054094-C [P&P]". Prints & Photographs Division, Library of Congress. Nakuha noong 2009-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Sergio Osmeña: 2nd President of the Commonwealth of the Philippines - War Cabinet 1944-45". The Philippine Presidential Project. Nakuha noong 2009-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "RAFAEL L. DIZON vs. NICASIO YATCO, ET AL". Nakuha noong 2009-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Law List (Attorney List) - M". Supreme Court of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-13. Nakuha noong 2009-07-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)