Itlog (pagkain)
![]() Isang pritong itlog | |
|
Milyun-milyong taon nang kinakain ng mga tao at mga kamag-anak na hominido ang mga itlog ng hayop.[1] Pinakakinakain ang mga itlog ng ibong labuyo, lalo na ang mga itlog ng manok. Nag-umpisang mag-ani ng itlog para kainin ang mga tao sa Timog-silangang Asya pagsapit ng 1500 BK.[2] Kinakain din ang mga itlog ng ibang ibon, katulad ng bibi at abestrus, ngunit hindi gaanong karaniwan kumpara sa itlog ng manok. Maaari ring kainin ng mga tao ang mga itlog ng reptilya, ampibyo, at isda. Tinatawag na bihud ang mga itlog ng isda na kinakain.
Pinapalaki ang mga inahing manok at iba pang nangingitlog na hayop sa buong mundo, at isang pandaigdigang industriya ang maramihang produksiyon ng itlog ng manok. Noong 2023, tinatantiyang 62.1 milyong metrikong tonelada ng mga itlog ang naiprodyus sa buong mundo, higit sa 100 porsiyentong pagtaas kumpara sa 1990.[3]
Mga uri
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang karaniwang pagkain ang mga itlog ng ibon at isa rin sa mga pinakabersatil na sangkap na ginagamit sa pagluluto. Mahalaga ang mga ito sa maraming sangay ng modernong industriya ng pagkain.[4]
Ang mga pinakaginagamit na itlog ng ibon ay mula sa mga manok, bibi, at gansa. Karaniwang itinuturing na luho ang mga itlog ng malalaking ibon, tulad ng ostrits. Kinokonsiderang delikasi ang mga itlog ng bako sa Inglatera,[5] oati na rin sa ilang mga bansang Eskandinabo, lalo na sa Noruwega. Sa ilang bansang Aprikano, madalas na nakikita ang mga itlog ng benggala sa mga merkado, lalo na tuwing tagsibol ng bawat taon.[6] Nakakain ang mga itlog ng mga paysan at emu, ngunit hindi gaanong karaniwan;[5] minsan makukuha ang mga ito mula sa mga magsasaka, polterer, o mga mamahaling groseri. Sa maraming bansa, ang mga itlog ng mga ligaw na ibon ay protektado ng mga batas na nagbabawal sa pagkolekta o pagbebenta ng mga ito, o pinapayagan lamang ang pagkolekta sa mga partikular na yugto sa bawat taon.[5]
Mga katangian sa pagluluto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga uri ng putahe
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Malawak ang paggamit ng mga itlog ng manok sa mararaming uri ng putahe, matamis man o malinamnam, kabilang dito ang maraming inihurnong pagkain. Kabilang sa mga pinakakaraniwang paraan ng paghahanda ang pagbabati, pagpiprito, pagsusuam, paglalaga, pagtotorta, at pag-aatsara. Maaari ring kainin ang mga ito nang hilaw, bagama't hindi ito inirerekomenda para sa mga taong mas madaling kapitan ng salmonelosis, tulad ng mga matatanda, may kapansanan, o mga buntis. Bukod pa rito, 51 porsiyento lamang ng protina sa hilaw na itlog ang bioavailable, kumpara sa mga 91 porsiyento kapag niluto ang itlog, ibig sabihin na halos doble ang masisipsip na protina mula sa nilutong itlog kaysa sa hilaw na itlog.[7]
Minsan ginagamit ang kaskarilya o pinulbos na balat ng itlog bilang aditibo sa pagkain dahil sa taglay nitong kalsiyo.[8] Nakakain ang bawat bahagi ng itlog, ngunit karaniwang itinatapon ang balat nito. Sa ilang mga resipi, kailangan ang mga itlog na hindi pa ganap o hindi pa nailalabas, na kinukuha mula sa loob ng inahin pagkatapos itong katayin o lutuin .[9]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kipple, Kenneth F. (2007). A Movable Feast: Ten Millennia of Food Globalization [Isang Handaang Magagalaw: Sampung Milenyo ng Globalisasyon ng Pagkain] (sa wikang Ingles). Cambridge University Press. p. 22. ISBN 9781139463546.
- ↑ Peters, Joris; Lebrasseur, Ophélie; Irving-Pease, Evan K.; atbp. (14 June 2022). "The biocultural origins and dispersal of domestic chickens" [Ang pinagmulang biyokultural at pagpapakalat ng mga domestikadong manok]. Proceedings of the National Academy of Sciences (sa wikang Ingles). 119 (24): e2121978119. Bibcode:2022PNAS..11921978P. doi:10.1073/pnas.2121978119. PMC 9214543. PMID 35666876.
- ↑ Shahbandeh, M (Pebrero 6, 2025). "Egg production worldwide 1990-2023" [Produksiyon ng itlog sa buong mundo 1990-2023]. Statista (sa wikang Ingles). Nakuha noong Pebrero 16, 2025.
- ↑ Montagne, Prosper (2001). Larousse Gastronomique (sa wikang Pranses). Clarkson Potter. pp. 447–448. ISBN 978-0-609-60971-2.
- ↑ 5.0 5.1 5.2 Roux, Michel; Martin Brigdale (2006). Eggs [Mga Itlog] (sa wikang Ingles). Wiley. p. 8. ISBN 978-0-471-76913-2.
- ↑ Stadelman, William (1995). Egg Science and Technology [Agham at Teknolohiya ng mga Itlog] (sa wikang Ingles). Haworth Press. p. 1. ISBN 978-1-56022-854-7.
- ↑ Evenepoel, P.; Geypens, B.; Luypaerts, A.; atbp. (1998). "Digestibility of Cooked and Raw Egg Protein in Humans as Assessed by Stable Isotope Techniques" [Dihestibilidad ng Protina ng Luto at Hilaw na Itlog sa Mga Tao ayon sa Mga Teknika sa Isotipong Matatag]. The Journal of Nutrition (sa wikang Ingles). 128 (10): 1716–1722. doi:10.1093/jn/128.10.1716. PMID 9772141. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2011. Nakuha noong 18 Abril 2011.
- ↑ Anne Schaafsma; Gerard M Beelen (1999). "Eggshell powder, a comparable or better source of calcium than purified calcium carbonate: piglet studies" [Kaskarilya, isang maihahambing o mas mahusay na mapagkukunan ng kalsiyo kaysa sa dinalisay na karbonatong kalsiyo]. Journal of the Science of Food and Agriculture (sa wikang Ingles). 79 (12): 1596–1600. doi:10.1002/(SICI)1097-0010(199909)79:12<1596::AID-JSFA406>3.0.CO;2-A. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Disyembre 2012.
- ↑ Marian Burros, "What the Egg Was First" [Ano Nauna Ang Itlog] (sa wikang Ingles). Naka-arkibo 24-12-2016 sa Wayback Machine., The New York Times, 7 Pebrero 2007