Pumunta sa nilalaman

James Begbie

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si James Begbie (ipinanganak noong 1798 - namatay noong Agosto 26, 1869) ay isang Britanikong manggagamot na may kaugnayan sa pag-aaral ng sindroma ni Basedow, na kilala rin bilang sakit ni Begbie, at pangkasalukuyang tinatawag na eksoptalmikong bosyo. Kaugnay din siya ng pag-aaral hinggil sa Karamdaman ni Dubini, dating pangalan para sa miyoklonikong anyo ng epidemikong ensepalitis.[1]

Ipinanganak si Begbie sa Edinburgo, ang kabiserang lungsod ng Eskosya. Naging guro niya si John Abercrombie (1780-1844). Sa paglaon, naging katu-katulong din siya ni Abercrombie para sa mga gawain nito.[1]

Noong 1821, tinanggap ni Begbie ang kanyang duktorado sa panggagamot mula sa Pamantasan ng Edinburgh. Noong 1822, naging katoto siya ng Dalubhasaang Royal ng mga Maninistis (Royal College of Surgeons). Noong 1847, naging katoto rin siya ng Dalubhasaang Royal ng mga Manggagamot (Royal College of Physicians), at naging pangulo ng samahang ito mula 1854 magpahanggang 1856. Bago mangyari ito, naging pangulo muna siya ng Samahang Royal ng Manggagamot-Maninistis (Royal Medico-Chirurgical Society) ng Londres mula 1850 magpahanggang 1852. Sa loob ng apatnapung taon, gumanap siya bilang manggagamot para sa Samahan ng Pondo ng Balong Eskoses at Katiyakang Pambuhay (Scottish Widow’s Fund and Life Assurance Society).[1]

Namatay siya sa Edinburgo.[1]

Nagsulat si Begbie ukol sa mahahalagang mga estadistika, paggamit ng arseniko para sa kronikong rayumatismo, paggamit ng asidong nitritiko-hidrokloriko para sa oksalurya, at paggamit ng potasyong bromido para sa karamdamang nerbyos.[1]