Pumunta sa nilalaman

Jane Seymour

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jane Seymour
Reynang konsorte ng Inglatera
Tenure 30 Mayo 1536 – 24 Oktubre 1537
Proklamasyon 4 Hunyo 1536
Asawa Henry VIII ng Inglatera (1536–1537)
Anak Edward VI ng Inglatera
Lalad Angkang Tudor (sa pamamagitan ng kasal)
Ama John Seymour
Ina Margery Wentworth
Kapanganakan c. 1508
Kamatayan 24 Oktubre 1537 (sa gulang na 28 o 29)
Palasyong Korte ng Hampton
Lagda
Pananampalataya Katoliko

Si Jane Seymour (sirka 1508 – 24 Oktubre 1537) ay isang Inglesang dating naging Reyna ng Inglatera bilang pangatlong asawa ni Haring Henry VIII. Pinalitan niya si Anne Boleyn bilang reynang konsorte pagkaraan ng pagsasakatuparan ng parusang kamatayan kay Boleyn dahil sa kaso ng masidhing pagtataksil, insesto at adulteriya noong Mayo 1536. Namatay si Seymour dahil sa mga kumplikasyon na hindi lalampas sa dalawang mga linggo pagkatapos na maipanganak ang kaisa-isa niyang anak, isang lalaking namuno sa Inglatera bilang si Edward VI. Siya lamang ang nag-iisa sa mga naging asawa ni Henry VIII na nakatanggap ng parangal na pagpapalibing bilang isang reyna, at ang tanging konsorte ni Henry VIII na nalibing na katabi ng haring ito sa loob ng Kapilya ni St. George, Kastilyo ng Windsor, dahil si Seymour lamang ang nag-iisang konsorte na nagkapagluwal ng isang tagapagmanang lalaki.


TalambuhayKasaysayanInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.