Jean Grey
Si Jean Elaine Grey ay isang kathang-isip na superhero na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng Marvel Comics. Nakilala ang karakter sa ilalim na alyas na Marvel Girl, Phoenix, at Dark Phoenix. Nilikha ng manunulat na si Stan Lee at tagaguhit/kasamang-manunulat na si Jack Kirby, unang lumabas ang karakter sa The X-Men #1 (Setyembre 1963).
Naging mahalagang karakter siya sa mga buhay ng ibang karakter sa Marvel Universe, karamihan sa X-Men, kabilang ang kanyang asawang si Cyclops, ang kanyang tagapayo at ama-amahan na si Charles Xavier, ang hindi niya sinusuklian ng pagmamahal na si Wolverine, ang kanyang kaibigan at tinuturing na kapatid na si Storm, at kanyang mga henetikang anak na sina Rachel Summers, Cable, Stryfe at X-Man.
Nariyan ang karakter sa karamihan ng kasaysayan ng X-Men, at naitampok sa lahat ng tatlong seryeng animasyon ng X-Men at ilang larong bidyo. Maaring laruin ang kanyang karakter sa X-Men Legends (2004), X-Men Legends II: Rise of Apocalypse (2005), Marvel Ultimate Alliance 2 (2009), Marvel vs Capcom 3: Fate of Two Worlds (2011), Marvel Heroes (2013), at Lego Marvel Super Heroes (2013), at lumabas sa hindi nalalarong karakter sa unang Marvel: Ultimate Alliance.
Ginampanan ni Famke Janssen ang karakter bilang adulto sa mga pelikulang X-Men habang ginampanan ni Sophie Turner si Jean Grey bilang tinedyer.
Noong 2006, nakaranggo si Jean Grey sa ika-6 sa pinakamataas na 25 X-Men mula sa nakaraang apatnapung taon na tala ng IGN,[1] at noong 2011, niranggo din IGN ang karakter sa ika-13 sa "Pinakamataas na 100 na Bayani sa Komiks."[2] Nakaranggo naman ang kanyang katauhan bilang Dark Phoenix sa ika-9 sa tala ng IGN na "Pinakamataas na 100 Kontrabida sa Komiks sa Lahat ng Panahon," ang pinakamataas na ranggo para sa isang babaeng karakter.[3]
Mga sanngunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Hilary Goldstein; Richard George. "The Top 25 X-Men". IGN. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-10-19. Nakuha noong 2009-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Jean Grey". IGN. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Enero 2012. Nakuha noong 29 Mayo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Top 100 Villains". IGN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-07-13. Nakuha noong 2013-08-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)