Pumunta sa nilalaman

Jessica Williams (aktres)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jessica Williams (aktres)
Kapanganakan31 Hulyo 1989[1]
  • (Pacific States Region)
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
Trabahoartista, artista sa telebisyon, artista sa pelikula

Si Jessica Renee Williams ay isang Amerikanang artista at komedyante. Siya ay lumabas sa pelikula bilang isang senior correspondent sa The Daily Show, bilang cohost ng podcast 2 Dope Queens, bilang Lally Hicks sa serye ng pelikulang <i id="mwFA">Fantastic Beasts</i>, bilang Gaby in Shrinking, at bilang Meadow sa Entergalactic.

Si Jessica Renee Williams ay ipinanganak sa Los Angeles County, California. Nag-aral siya sa Nathaniel Narbonne High School kung saan umunlad siya sa larangan ng departmento drama sa kanilang paaralan. </link>[ <span title="This claim needs references to reliable sources. (October 2022)">banggit kailangan</span> ] Ginawa niya ang kanyang unang paglabas sa telebisyon sa regular na serye sa Nickelodeon na Just for Kicks noong 2006, at noong 2012, siya ang naging pinakabatang korespondent ng The Daily Show sa edad na 22 taong gulang. [2] Nag-aral siya sa California State University, Long Beach. Ang mga resulta ng pagsusuri sa DNA ay nagtunton sa ina ni Williams sa mga taong Bamileke ng Cameroon. [3]

Ginawa ni Williams ang kanyang Daily Show debut noong Enero 11, 2012. Si Williams ay madalas na gumaganap sa Upright Citizens Brigade Theater sa Los Angeles. Nagpakita rin si Williams sa Season 3 ng HBO's Girls . Siya ay kasalukuyang naninirahan sa Brooklyn, New York [4] at Los Angeles, California. [5] Lumabas siya sa pelikulang People Places Things. Siya ang nag-cohost din ng comedy podcast na 2 Dope Queens kasama si Phoebe Robinson. Lumabas din si Williams sa isang espesyal na podcast sa HBO noong Pebrero, 2018. [6] Siya ay lumabas sa kanyang huling Daily Show episode noong Hunyo 30, 2016. [7] Siya ang nagbida sa 2017 Netflix comedy movie na The Incredible Jessica James, kung saan iay nagbigay buhay sa isang karaker na inilarawan ng Guradina bilang isang "naghihrap na manunulat sa Brooklyn na nilalakbay ang malabo at masalimuot na karagatan ng modernong romansa habang hindi mapakaling hinihintay ang kanyang malaking pagkakataon ." [8] Lumabas siya sa mga sequel ng Fantastic Beasts and Where to Find Them, na pinamagatang Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald at Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore bilang Lally Hicks, isang guro mula sa Ilvermorny School of Witchcraft and Wizardry. [9] Noong 2023, nagkaroon sya ng starring role na si Williams sa Apple TV+ show na Shrinking. [10] Para sa kanyang pagganap, nakakuha siya ng Primetime Emmy Award para sa Outstanding Supporting Actress sa nominasyon ng Comedy Series.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm1790970, Wikidata Q37312, nakuha noong 10 Enero 2016{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Czajkowski, Elise (Pebrero 27, 2014). "Talking to 'Daily Show' Correspondent Jessica Williams". Splitsider. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 2, 2014. Nakuha noong Disyembre 2, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The Daily Show Correspondents Discover Their African Ancestry
  4. "FACES: THE DAILY SHOW'S JESSICA WILLIAMS INTERVIEW". Nixon. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 31, 2014. Nakuha noong Disyembre 2, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 2 Dope Queens Podcast, Episode 28, A Sex Toy in Every Port
  6. Rolling Stone. {{cite magazine}}: Missing or empty |title= (tulong)
  7. Entertainment Weekly. {{cite magazine}}: Missing or empty |title= (tulong)
  8. Nevins, Jake (2017-07-26). "The incredible Jessica Williams: 'Great comedy comes from feeling like you've gotten punched up'". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2017-07-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Jessica Williams Joins J.K. Rowling to Announce Her Fantastic Beasts Character". Vulture. Abril 22, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Jessica Williams on becoming the standout star of Apple TV Plus' Shrinking". The A.V. Club. Pebrero 27, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)