Pumunta sa nilalaman

Jochi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jochi
Ang rebulto ni Jochi sa modernong Monggolya
Ang rebulto ni Jochi sa modernong Monggolya
Khan ng Ulus ng Jochi
Sinundan none
Sumunod Orda
Batu
Anak Orda Khan
Batu Khan
Berke Khan
iba pa
Ina Börte
Kapanganakan c. 1182
Kamatayan c. 1225

Si Jochi (Mongol: ᠵᠦᠴᠢ c. 1182c. 1225), kilala rin sa pangalang Jüchi,[1]:278 ay isang prinsipe sa maagang Imperyong Monggol. Minarkahan ng kontrobersiya ang kanyang buhay dahil sa kanyang kapanganakan at nagtapos sa paghihiwalay sa kanyang pamilya. Gayunpaman, naging isa siyang prominenteng kumander ng militar at ang ninuno ng pamilya na namuno sa kanato ng Ginintuang Horda.

Si Jochi ay anak ni Börte, ang unang asawa ni Temüjin, pinuno ng mga Monggol. Naging bihag si Börte ng tribong Merkit nang maraming buwan bago ipanganak si Jochi. Doon, siya ay sapilitang ikinasal at ginahasa ng isa sa kanila. Bagaman may malaking pag-aalinlangan sa pagiging magulang ni Jochi, itinuring siya ni Temüjin na kanyang anak at itinuring siya nang naaayon. Hindi sumang-ayon ang maraming mga Monggol, pinakakilala ang susunod na anak ni Börte na si Chagatai. Sa kalaunan, humantong itong mga tensiyon sa pagbubukod kay Jochi sa pagmamana ng tronong Monggol.

Matapos itatag ni Temüjin ang Imperyong Monggol noong 1206 at angkinin ang pangalang Genghis Khan, ipinagkatiwala niya kay Jochi ang siyam na libong mandirigma at malaking teritoryo sa kanluran ng Kamonggulan. Nag-utos at lumahok si Jochi sa maraming kampanya upang matiyak at mapalawak ang kapangyarihan ng mga Monggol sa rehiyon. Isa rin siyang prominenteng kumander sa panahon ng pagsalakay ng Imperyong Khwarazmia (1219–1221), kung saan nasakop niya ang mga lungsod at tribo sa hilaga. Sa panahon ng Pagkubkob ng Gurganj ng 1221, nagkainitan siya, ang kanyang mga kapatid, at si Genghis, na hindi na gumaling. Nawalay pa rin si Jochi sa kanyang pamilya nang namatay siya dahil sa masamang kalusugan c. 1225. Hinirang ang kanyang anak na si Batu na mamuno sa kanyang mga teritoryo bilang kahalili niya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Atwood, Christopher P. (2004). Encyclopedia of Mongolia and the Mongol Empire [Ensiklopedya ng Monggolya at ng Imperyong Monggol] (sa wikang Ingles). New York: Facts on File. ISBN 978-0-8160-4671-3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)