Pumunta sa nilalaman

Joey Benin

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Joey Benin ay isang bahista, mang-aawit, manunulat ng awitin, gumagawa at nag-aareglo ng musika na mula sa Pilipinas. Kilala siya bilang ang dating kasapi ng bandang Side A at isa sa mga lumikha ng awiting "Forevermore."

Bilang isang kilalang kompositor, nakatrabaho na niya sa ilang mga kilalang tao sa industriya ng musika sa Pilipinas katulad nina Janno Gibbs, Regine Velasquez, Martin Nievera at ang kanyang dating banda na Side A. Gayon din, nakatrabaho niya si Koji Ishikawa, isang tanyag na inhinyero sa pag-rekord ng mga tunog.