John Glenn

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
John Glenn
John Glenn Low Res.jpg
Chair of the Senate Governmental Affairs Committee
Nakaraang sinundanWilliam V. Roth Jr.
Sinundan niWilliam V. Roth Jr.
United States Senator
from Ohio
Nakaraang sinundanHoward Metzenbaum
Sinundan niGeorge Voinovich
Pansariling detalye
Partidong pampolitikaDemocratic
(Mga) AsawaAnnie Castor (k. 1943–2016)
Mga anak2
Alma materMuskingum University (BS)
University of Maryland
Mga parangalCongressional Gold Medal
Presidential Medal of Freedom
Congressional Space Medal of Honor
NASA Distinguished Service Medal
Pirma
Serbisyo sa militar
Sangay/serbisyoU.S. Navy
U.S. Marine Corps
Mga taon ng serbisyo1941–1965
RangggoUS-O6 insignia.svg Colonel
YunitVMJ-353
VMO-155
VMF-218
VMA-311
25th Fighter-Interceptor Squadron
Mga labanan/digmaanWorld War II
Operation Beleaguer
Korean War

Si John Herschel Glenn Jr. (18 Hulyo 1921 – 8 Disyembre 2016) ay isang Amerikanong aviator, inhenyero, astronaut, at Senador ng Estados Unidos mula sa Ohio. Noong 1962, siya ang unang Amerikano na nag-orbit sa Daigdig, tatlong beses niya itong pinaikutan. Bago pumasok sa NASA, si Glenn ay isang kilalang fighter pilot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Korea na may anim na Distinguished Flying Crosses at labing-walong clusters sa kanyang Air Medal.

Siya ay isa sa Mercury Seven: mga sundalong test pilot na pinili noong 1959 ng NASA bilang mga unang astronaut ng Estados Unidos. Noong 20 Pebrero 1962, lumipad si Glenn sa misyong Friendship 7; ang unang Amerikanong nag-orbit sa Daigdig, siya ang ikalimang tao sa kalawakan. Natanggap niya ang NASA Distinguished Service Medal, ang Congressional Space Medal of Honor noong 1978, na-induct sa US Astronaut Hall of Fame noong 1990, at ang huling nabubuhay na miyembro ng Mercury Seven.

Matapos magbitiw si Glenn sa NASA noong 1964 at magretiro sa Marine Corps sa sumusunod na taon, binalak niyang tumakbo para sa isang posisyon ng Senado ng Estados Unidos mula sa Ohio. Isang pinsala noong maagang 1964 ang dahilan ng kanyang pagurang, at natalo siya sa isang malapit na primary election noong 1970. Isang miyembro ng Democratic Party, nanalo si Glenn sa unang pagkakataon sa halalan sa Senado noong 1974 at nagsilbi nang 24 taon hanggang 3 Enero 1999.

Noong 1998, habang isang senador, si Glenn pinakamatandang lumipad sa kalawakan bilang isang miyembro ng crew ng space shuttle Discovery at ang tanging lumipad sa kapwa programang Mercury at Space Shuttle. Tinanggap niya ang Presidential Medal of Freedom noong 2012.

Pagkakasakit at kamatayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Noong Hunyo 2014, si Glenn ay sumailalim sa isang matagumpay na heart valve replacement surgery sa Cleveland Clinic.[1] Noong maagang Disyembre 2016, naospital siya sa James Cancer Hospital ng Ohio State University Wexner Medical Center sa Columbus.[2][3][4] Ayon sa isang source sa pamilya, humihina na ang kalusugan ni Glenn at ang kanyang kalagayan ay malubha; ang kanyang asawa, mga anak at mga inapo ay nasa ospital.[5]

Namatay si Glenn noong 8 Disyembre 2016, sa OSU Wexner Medical Center;[6][7] hindi isiniwalat ang dahilan ng kamatayan. Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery matapos na namamalagi sa Ohio Statehouse at isang memorial service sa Mershon Auditorium sa Ohio State University.[6]

Glenn looking at a transparent star map and globe: a space "road map"

Mga tala[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Berlinger, John Newsome; Berlinger, Joshua. "John Glenn—astronaut, ex-senator—gets successful heart surgery". CNN. Atlanta: Turner Broadcasting System (Time Warner).
  2. Strickland, Ashley (December 7, 2016). "Former senator, astronaut John Glenn hospitalized". CNN.
  3. "John Glenn, in declining health, is hospitalized". Cleveland Plain Dealer. December 7, 2016.
  4. "Former senator, astronaut John Glenn in OSU hospital". Cincinnati Inquirer. December 7, 2016.
  5. "Former astronaut John Glenn hospitalized in Columbus". Columbus Dispatch. December 8, 2016.
  6. 6.0 6.1 "John Glenn, American hero, aviation icon and former U.S. senator, dies at 95". The Columbus Dispatch. Columbus, Ohio: New Media Investment Group. Hinango noong December 8, 2016.
  7. "John Glenn, First American to Orbit the Earth, Dies". ABC News. United States: ABC. December 8, 2016. Hinango noong December 8, 2016.