John Glenn
John Glenn | |
---|---|
Chair of the Senate Governmental Affairs Committee | |
Nakaraang sinundan | William V. Roth Jr. |
Sinundan ni | William V. Roth Jr. |
Senador ng Estados Unidos mula Ohio | |
Nakaraang sinundan | Howard Metzenbaum |
Sinundan ni | George Voinovich |
Personal na detalye | |
Partidong pampolitika | Democratic |
Asawa | Annie Castor (k. 1943–2016) |
Anak | 2 |
Alma mater | Muskingum University (BS) University of Maryland |
Mga parangal | Congressional Gold Medal Presidential Medal of Freedom Congressional Space Medal of Honor NASA Distinguished Service Medal |
Pirma | |
Serbisyo sa militar | |
Sangay/Serbisyo | U.S. Navy U.S. Marine Corps |
Taon sa lingkod | 1941–1965 |
Ranggo | Colonel |
Yunit | VMJ-353 VMO-155 VMF-218 VMA-311 25th Fighter-Interceptor Squadron |
Labanan/Digmaan | World War II Operation Beleaguer Korean War |
Si John Herschel Glenn Jr. (18 Hulyo 1921 – 8 Disyembre 2016) ay isang Amerikanong aviator, inhenyero, astronaut, at Senador ng Estados Unidos mula sa Ohio. Noong 1962, siya ang unang Amerikano na nag-orbit sa Daigdig, tatlong beses niya itong pinaikutan. Bago pumasok sa NASA, si Glenn ay isang kilalang fighter pilot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Korea na may anim na Distinguished Flying Crosses at labing-walong clusters sa kanyang Air Medal.
Siya ay isa sa Mercury Seven: mga sundalong test pilot na pinili noong 1959 ng NASA bilang mga unang astronaut ng Estados Unidos. Noong 20 Pebrero 1962, lumipad si Glenn sa misyong Friendship 7; ang unang Amerikanong nag-orbit sa Daigdig, siya ang ikalimang tao sa kalawakan. Natanggap niya ang NASA Distinguished Service Medal, ang Congressional Space Medal of Honor noong 1978, na-induct sa US Astronaut Hall of Fame noong 1990, at ang huling nabubuhay na miyembro ng Mercury Seven.
Matapos magbitiw si Glenn sa NASA noong 1964 at magretiro sa Marine Corps sa sumusunod na taon, binalak niyang tumakbo para sa isang posisyon ng Senado ng Estados Unidos mula sa Ohio. Isang pinsala noong maagang 1964 ang dahilan ng kanyang pagurang, at natalo siya sa isang malapit na primary election noong 1970. Isang miyembro ng Democratic Party, nanalo si Glenn sa unang pagkakataon sa halalan sa Senado noong 1974 at nagsilbi nang 24 taon hanggang 3 Enero 1999.
Noong 1998, habang isang senador, si Glenn pinakamatandang lumipad sa kalawakan bilang isang miyembro ng crew ng space shuttle Discovery at ang tanging lumipad sa kapwa programang Mercury at Space Shuttle. Tinanggap niya ang Presidential Medal of Freedom noong 2012.
Pagkakasakit at kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Hunyo 2014, si Glenn ay sumailalim sa isang matagumpay na heart valve replacement surgery sa Cleveland Clinic.[1] Noong maagang Disyembre 2016, naospital siya sa James Cancer Hospital ng Ohio State University Wexner Medical Center sa Columbus.[2][3][4] Ayon sa isang source sa pamilya, humihina na ang kalusugan ni Glenn at ang kanyang kalagayan ay malubha; ang kanyang asawa, mga anak at mga inapo ay nasa ospital.[5]
Namatay si Glenn noong 8 Disyembre 2016, sa OSU Wexner Medical Center;[6][7] hindi isiniwalat ang dahilan ng kamatayan. Siya ay inilibing sa Arlington National Cemetery matapos na namamalagi sa Ohio Statehouse at isang memorial service sa Mershon Auditorium sa Ohio State University.[6]
Mga tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Berlinger, John Newsome; Berlinger, Joshua. "John Glenn—astronaut, ex-senator—gets successful heart surgery". CNN. Atlanta: Turner Broadcasting System (Time Warner).
- ↑ Strickland, Ashley (Disyembre 7, 2016). "Former senator, astronaut John Glenn hospitalized". CNN.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "John Glenn, in declining health, is hospitalized". Cleveland Plain Dealer. Disyembre 7, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Former senator, astronaut John Glenn in OSU hospital". Cincinnati Inquirer. Disyembre 7, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Former astronaut John Glenn hospitalized in Columbus". Columbus Dispatch. Disyembre 8, 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong Marso 5, 2017. Nakuha noong Enero 1, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 "John Glenn, American hero, aviation icon and former U.S. senator, dies at 95". The Columbus Dispatch. Columbus, Ohio: New Media Investment Group. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 8, 2016. Nakuha noong Disyembre 8, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Maling banggit (Invalid na<ref>
tag; maraming beses na binigyang-kahulugan ang pangalang "dispatchobit" na may iba't ibang nilalaman); $2 - ↑ "John Glenn, First American to Orbit the Earth, Dies". ABC News. United States: ABC. Disyembre 8, 2016. Nakuha noong Disyembre 8, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)