Pumunta sa nilalaman

Jordan Anderson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jordan Anderson
May-akda ng pang-1865 na Letter from a Freedman to His Old Master ("Liham mula sa isang Taong Pinalaya sa Kaniyang Dating Amo")
Kapanganakan
Jourdon Anderson

Disyembre 1825
Tennessee, Estados Unidos
KamatayanAbril 15 1907 (edad 81)
Dayton, Estados Unidos
MamamayanEstados Unidos ng Amerika

Si Jordan Anderson o Jourdon Anderson (Disyembre 1825 – 15 Abril 1907)[1] ay isang Amerikanong Aprikano na dating alipin na kinikilala dahil sa isang liham na isinulat niya, na pinamagatan bilang "Letter from a Freedman to His Old Master" ("Liham mula sa isang Taong Pinalaya sa Kaniyang Dating Amo"). Nakalaan ang sulat para sa kaniyang dating amo o panginoon na si Koronel P. H. Anderson, bilang pagtugon sa kahilingan ng Koronel na magbalik Jordan sa plantasyon (taniman) upang makatulong sa pagpapanumbalik ng sakahan pagkaraan ng kaguluhang naganap noong panahon ng digmaan. Inilarawan ito bilang isang bihirang halimbawa ng nakadokumentong "katatawan ng alipin" noong kapanahunang iyon, at dahil sa estilo nitong estrikto, hindi natitigatig, at hindi nagbabago na maihahambing sa estilo ng panunudyo ni Mark Twain.[2]

Ipinanganak si Anderson noong bandang 1825 sa isang pook sa Tennessee, Estados Unidos.[1] Pagsapit ng kaniyang ika-7 o ika-8 taon, ipinagbili siya bilang isang alipin kay Heneral Paulding Anderson ng Big Spring sa Wilson County, Tennessee, at lumaong naipasa papunta sa anak na lalaki ng heneral na si Patrick Henry Anderson, marahil bilang isang personal na tagapaglingkod at kalaro dahil sa ang dalawa ay mayroong magkahalintulad na edad. Noong 1848, pinakasalan ni Jordan Anderson si Amanda (Mandy) McGregor. Sa pagdaka ang dalawa ay magkakaroon ng labing-isang mga anak. Noong 1864, nagkampo ang Hukbo ng Unyon sa taniman ng mga Anderson at pinalaya si Jordan Anderson, na pagdaka ay nanatili sa Dayton, Ohio.[2] Nakatagpo siya doon ng hanapbuhay bilang isang katulong, tagapaglinis, kutsero, o tagapag-alaga ng kabayo, hanggang 1894, nang siya ay maging isang sexton, marahil sa Simbahang Metodistang Wesleyano; isang posisyong hinawakan niya hanggang sa kaniyang kamatayan.[1] Namatay siya sa Dayton noong 15 Abril 1907 dahil sa "kapaguran" (pagkahapo) sa gulang na 81, at inilibing sa Sementeryo ng Woodland, isa sa pinakamatatandang mga libingang "hardin" sa Estados Unidos.[1] Namatay si Amanda noong 12 Abril 1913; inilibing siyang katabi ng lugar na pinaglibingan kay Jordan Anderson.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Dalton, Curt. "Jourdon Anderson, Dayton History Books". Dayton History Books Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 22 Setyembre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Breed, Allen G.; Italie, Hillel (14 Hulyo 2012). "How did ex-slave's letter to master come to be?". The Salt Lake Tribune. Associated Press. Nakuha noong 16 Hulyo 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)