José Basco y Vargas
Si José Basco y Vargas[1] ay naglingkod bilang ika-44 na Kastilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Namuno siya ng siyam na taon mula 1778 hanggang 1787. Di katulad ng ibang gobyerno sa panahon, itinuon ni Vargas ang kaniyang pansin sa ekonomiya kaysa sa militar. Pinalaya niya rin ang koloniyang Pilipinas mula sa kapangyarihan ng Bagong Espanya (ngayon ay Mehiko). Ipinangalan para sa kaniya ang Basco, Batanes.
Bilang gobernador-kapitan (gobernador-heneral) ng Pilipinas, inilunsad niya ang Sociedad Económica de los Amigos del País (Economic Society of Friends of the Country, o Lipunang Ekonomiko ng mga Kaibigan ng Bansa. Binuksan niya ang bansa sa mga dayuhang mangangalakal, na nakasanhi sa paglago ng ekonomiya.[1]
Nauna sa kaniya sa tungkulin si Pedro de Sarrio, na muling naging gobernador-heneral noong 1787.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Karnow, Stanley (1989). "José Basco". "In Our Image, America's Empire in the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0345328167.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan: Pedro de Sarrio |
Mga Gobernador-Heneral ng Pilipinas 1778–1787 |
Susunod: Pedro de Sarrio |
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.