Pumunta sa nilalaman

Jose Antonio Vargas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jose Antonio Vargas
Vargas bilang hurado sa John S. and James L. Knight Foundation 2010 News Challenge.
Kapanganakan (1981-02-03) 3 Pebrero 1981 (edad 43)
EdukasyonBachelor of Arts
NagtaposSan Francisco State University
Trabahoperyodista, filmmaker, aktibista
OrganisasyonDefine American[1]
ParangalPulitzer Prize
The Sidney Award
Freedom to Write award
Websitejoseantoniovargas.com

Si Jose Antonio Vargas (ipinanganak Pebrero 3, 1981, Antipolo, Pilipinas) ay isang peryodista, gumagawa ng pelikula, at aktibista. Ipinanganak sa Pilipinas at lumaki sa Estados Unidos mula nang siya 12 taon. Bahagi siya ng grupo sa The Washington Post na nagwagi ng Pulitzer Prize for Breaking News Reporting noong 2008 sa pag-uulat nila online at sa print ng Virginia Tech shootings.[2] Nagtrabaho rin si Vargas The San Francisco Chronicle, The Philadelphia Daily News, at The Huffington Post.[3] Isinulat, pinrodus, at dinirekta rin niya ang pelikulang Documented kaniyang talambuhay na ipinalabas at inere ng CNN Films noong Hunyo 2014.

Sa pagnanais na masimulan ang usapín tungkol sa sistema ng pandarayuhan sa Estados Unidos, inilantad ni Vargas ang kaniyang katayuan bilang isang di-dokumentadong dayuhan sa kaniyang sanaysay sa The New York Times Magazine noong Hunyo 2011.[3] Paraan din ito upang ikampanya ang DREAM Act, na tutulong sa mga kabataang nasa ganoon ding kalagayan na maging isang ganap na mamamayan. Makalipas ang isang taon, isang araw matapos mailathala sa Time ang pabalat na artikulo nitong patungkol sa walang katiyakan ng kaniyang katayuan, inanunsiyo ng administrasyong Obama ang pagpapaliban ng deportasyon ng mga di-dokumentadong dayuhang 30 taong gulang at pababâ. Hindi na sakop si Vargas nito dahil katutungtong lang niya ng 31.[4]

Si Vargas ang tagapagtatág ng "Define American", isang di-pangkalakalan organisasyong naglalayong masimulan ang diyalogo tungkol sa pamantayang gagamiting upang matukoy kung sino ang isang Amerikano. Aniya, bilang pagtukoy sa sarili "I am an American. I just don't have the right papers" ("Ako'y Amerikano. Wala nga lang akong tamang papeles").[5]

Noong Hulyo 15, 2014, matapos ang 21 taong paninirahan sa Estados Unidos na isang di-dokumentadong residente, inaresto si Vargas ng mga awtoridad ng imigrasyon habang papalabás ng McAllen, Texas, isang bayan sa may hangganan ng bansa.[6][7] Pinakawalan din siya ilang oras matapos kuwestiyunin ng mga kinauukulan.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Our Team". DefineAmerican. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-09. Nakuha noong Pebrero 29, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Breaking News Reporting". The Pulitzer Prizes (pulitzer.org). Nakuha noong Hunyo 22, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Vargas, Jose Antonio. "My Life as an Undocumented Immigrant", The New York Times, Hunyo 22, 2011, hinango Hunyo 22, 2011.
  4. Vargas, Jose Antonio (Hunyo 25, 2012). "Jose Antonio Vargas' Life as an Undocumented Immigrant". TIME. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 15, 2012. Nakuha noong Hunyo 15, 2012.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Our Team". DefineAmerican. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-09. Nakuha noong Pebrero 29, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Jose Antonio Vargas Arrest Puts Focus On Border Checkpoints, Suzanne Gamboa, NBC News, Hulyo 15, 2014.
  7. Journalist-turned-immigration activist Jose Antonio Vargas detained at Texas airport, J. Freedom du Lac, Washington Post, Hulyo 15, 2014.
  8. Glenza, Jessica (15 Hulyo 2014). "Immigration activist Jose Antonio Vargas detained by US border officials". The Guardian. Nakuha noong 15 Hulyo 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)