Pumunta sa nilalaman

Joseph Haydn

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Jose Haydn)
Isang larawan ni Joseph Haydn na ipininta ni Thomas Hardy (1792).

Si Franz Joseph Haydn (Marso 31 o 1 Abril 1732 – 31 Mayo 1809) isa sa pangunahing kompositor ng Kapanahunang Klasiko, tinawag siyang "Ama ng klasikang Sinfonia" at “Ama ng String Quartet”. Bagama't popular siyang tinatawag na "Franz Joseph Haydn" (karamihan sa mga rekording at inilathalang musika ay gumagamit sa kanyang buong pangalan), ginamit ni Haydn ang kanyang pangalawang pangalan na Joseph, na may baybay na "Josef" sa Aleman at pumipirma gamit ang pangalan na "Josef Haydn".

Nanirahan ng buong buhay sa Austria, ginugol ni Haydn ang kanyang pamumuhay sa paglilingkod sa Korte ng mayamang pamilya ng Eszterházy sa kanilang liblib na tahanan. Sa dahilang napalayo siya sa ibang mga Kompositor at sa uso ay napilitang siyang maging "original". Sa kanyang katandaan ay iginalang siya at hinangaan bilang Kompositor sa buong Europa, naglakbay siya upang magtanghal ng sariling Komposisyon sa Paris at Londres at pumanaw sa Lungsod ng Vienna, Austria.

Si Franz Joseph Haydn ay kapatid ni Michael Haydn, isa ring kinikilalang kompositor, at ni Johann Evangelist Haydn, isang mangaawit na tenor.


TalambuhayMusika Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.