Joshua Dionisio

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Joshua Dionisio
KapanganakanRalph Joshua Dela Cruz Dionisio
(1994-12-14) Disyembre 14, 1994 (edad 25)
Lungsod Quezon, Pilipinas
Pag-aaralMapua Institute of Technology, Intramuros
HanapbuhayAktor
Mag-anakJacob Dionisio (kapatid)

Si Ralph Joshua Dela Cruz Dionisio, mas kilala bilang Joshua Dionisio (ipinangank 14 Disyembre 1994) ay isang artista mula sa Pilipinas. Kilala siya sa pagganap bilang Ken Pamintuan sa Super Inggo at ang batang Cholo sa Pilipinong remake ng Stairway to Heaven.

Mayroon siyang kapatid na nagngangalang Jacob na kasama niya sa Super Inggo. Nagsimula siyang modelo sa gulang na 6 na naging daan para siya ay matuklasan ng ABS-CBN at Viva Films. Una siyang lumabas sa telebisyon bilang Nicos Argos sa Kay Tagal Kang Hinintay.