Judy Garland
Judy Garland | |
---|---|
Kapanganakan | Frances Ethel Gumm 10 Hunyo 1922 |
Kamatayan | 22 Hunyo 1969 | (edad 47)
Nasyonalidad | Amerikana |
Nagtapos | Lawler's Professional School Bancroft Middle School Hollywood High School University High School[1] |
Trabaho | Aktres, mang-aawit |
Aktibong taon | 1924–69 (mang-aawit) 1929–67 (aktres) |
Asawa | David Rose (1941–1944) Vincente Minnelli (1945–1951) Sid Luft (1952–1965) Mark Herron (1965–1967) Mickey Deans (1969, kanyang kamatayan) |
Anak | Liza Minnelli Lorna Luft Joey Luft |
Magulang |
|
Si Judy Garland (10 Hunyo 1922 – 22 Hunyo 1969), Frances Ethel Gumm sa tunay na buhay, ay isang Amerikanang aktres at mang-aawit.[2]
Gumanap siya sa mahigit sa apatnapung mga pelikula mula 1929 hanggang 1967 at naging artista sa maraming palabas sa entablado at telebisyon.[3] Iginagalang dahil sa kanyang bersatilidad, inihanay siya ng instituto ng pelikula sa Amerika bilang pang-walo na dakilang bituin sa pelikula sa lahat ng panahon.[4]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Judy Garland ay ipinanganak noong 10 Hunyo 1922 sa Grand Rapids, Minnesota, Estados Unidos. Siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Naghahanapbuhay ang kaniyang mga magulang bilang mga aktor ng bodabil. Nakilala si Frances at ang kanyang mga kapatid bilang "The Gumm Sisters" nang lumipat ang pamilya sa Lancaster, California noong Hunyo 1926.
Kinontrata si Garland ng Metro-Goldwyn-Mayer (MGM) noong 1935. Isang taon ang lumipas bago lumabas ang kanyang unang pelikula sa MGM, ang Every Sunday (1936). Noong 1937, habang ipinagdiriwang ng estudyo ang kaarawan ng aktor na si Clark Gable, inawit ni Garland ang awiting "You Made Me Love You (I Didn't Want to Do It)." Ang awiting ito ay nakakuha ng papuri. Dahil dito, isinama ang awitin sa pelikulang Broadway Melody of 1938 (1937).
Nakatambal ni Garland si Mickey Rooney sa sumunod niyang pelikula, ang Thoroughbreds Don't Cry (1937). Ilan pa sa mga naging pelikula nila ni Rooney ay ang mga sumusunod: Love Finds Andy Hardy (1938), Babes in Arms (1939), Andy Hardy Meets Debutante (1940), Strike Up the Band (1940), Life Begins for Andy Hardy (1941), Babes on Broadway (1941), Thousands Cheer (1943), Girl Crazy (1943), at Words and Music (1948).[5]
Lubos na nakilala si Garland nang gumanap siya bilang Dorothy Gale sa The Wizard of Oz (1939).[6] Sa pelikula na ito, inawit niya ang awiting pinamagatang "Over the Rainbow."[7] Ilan pa sa mga sikat na pelikula ni Garland noong dekada kuwarenta ay ang mga sumusunod: Meet Me in St. Louis (1944), The Harvey Girls (1946), at Easter Parade (1948).
Umalis si Garland sa MGM noong 1950. Nanomina siya sa Oscar sa kanyang pagganap bilang Esther Blodgett/Vicki Lester sa A Star is Born (1954) at Irene Wallner sa Judgment at Nuremberg (1961). Nang bumagal na ang kanyang karera sa paggawa ng pelikula, pinasok ni Garland ang telebisyon bilang isang host. Naging host siya ng The Judy Garland Show mula 1963 hanggang 1964.
Namatay si Garland noong 22 Hunyo 1969 sanhi ng sobrang pag-gamit sa droga (accidental drug overdose).[8] Si Garland ay may tatlong anak: Liza Minnelli, Lorna Luft, at Joey Luft.
Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1929 - The Big Revue
- 1929 - A Holiday in Storyland
- 1929 - The Wedding of Jack and Jill
- 1929 - Bubbles
- 1935 - La Fiesta de Santa Barbara
- 1936 - Every Sunday
- 1936 - Pigskin Parade
- 1937 - Broadway Melody of 1938
- 1937 - Thoroughbreds Don't Cry
- 1937 - Silent Night
- 1938 - Everybody Sing
- 1938 - Love Finds Andy Hardy
- 1938 - Listen, Darling
- 1939 - The Wizard of Oz
- 1939 - Babes in Arms
- 1940 - If I Forget You
- 1940 - Andy Hardy Meets Debutante
- 1940 - Strike Up the Band
- 1940 - Little Nellie Kelly
- 1941 - Ziegfeld Girl
- 1941 - Life Begins for Andy Hardy
- 1941 - Babes on Broadway
- 1941 - We Must Have Music
- 1942 - For Me and My Gal
- 1943 - Presenting Lily Mars
- 1943 - Girl Crazy
- 1943 - Thousands Cheer
- 1944 - Meet Me in St. Louis
- 1945 - The Clock
- 1946 - The Harvey Girls
- 1946 - Ziegfeld Follies
- 1946 - Till the Clouds Roll By
- 1948 - The Pirate
- 1948 - Easter Parade
- 1948 - Words and Music
- 1949 - In the Good Old Summertime
- 1950 - Summer Stock
- 1954 - A Star Is Born
- 1960 - Pepe
- 1961 - Judgment at Nuremberg
- 1963 - Gay Purr-ee
- 1963 - A Child Is Waiting
- 1963 - I Could Go On Singing
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Judy Garland". NNDB. Nakuha noong 2013-10-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Judy Garland: Biography". TV Guide. Nakuha noong 2011-12-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fricke, John. "Judy Garland: Featured Essay". PBS. Nakuha noong 2011-12-23.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AFI's 100 YEARS...100 STARS".
- ↑ "dOc DVD Review: Mickey Rooney & Judy Garland Collection (Babes in Arms/Strike Up the Band/Babes on Broadway/Girl Crazy) (1939–1943)". digitallyobsessed.com. 1 Abril 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-09-10. Nakuha noong 2013-10-30.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fricke, John (1989). The Wizard of Oz: The Official 50th Anniversary Pictorial History. New York: Warner Books. ISBN 0-446-51446-2.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Roberts, David (2006). British Hit Singles & Albums (ika-19th (na) edisyon). London: Guinness World Records Limited. p. 134. ISBN 1-904994-10-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Judy Garland, 47, Found Dead, The New York Times, 23 Hunyo 1969