Pumunta sa nilalaman

Julian Cruz Balmaseda

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Julian Cruz Balmaceda)
Julian Cruz Balmaseda
Kapanganakan28 Enero 1885
  • (Bataan, Gitnang Luzon, Pilipinas)
Kamatayan18 Hulyo 1946
MamamayanPilipinas
NagtaposColegio de San Juan de Letran
Trabahomamamahayag, makatà

Si Julian Cruz Balmaceda ay itinuturing na isa sa mga haligi ng panitikang Pilipino dahil sa malaking kontribusyon niya sa sariling panitikan. Siya ay isang makata, mandudula, kuwentista, mangangatha, nobelista at mananaliksik-wika. Naging patnugot siya ng Surian ng Wikang Pambansa.

Isinilang si Balmaceda sa Orion, Bataan noong 28 Enero 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pag-aaral ng Batas sa Escuela de Derecho. Sa gulang na labing-apat ay nagwagi na sa isang timpalak ang kanyang dulang Ang Piso ni Anita, isang dulang musikal na ang paksa ay tungkol sa pagtitipid. Pinaksa rin ni Balmaceda sa kanyang mga dula ang pilosopiya ng sosyalismo, kagalingang-bayan at pangkasaysayan.

Sa kanyang mga dula ay lalong kilala ang Sa Bunganga ng Pating, tumutuligsa ito sa mga nagpapautang na labis magpatubo. Mula rin sa kanyang panitik ang Sangkwaltang Abaka, Dahil sa Anak, Budhi ng Manggagawa, Musikang Tagpitagpi, Ang Bagong Kusinero, at iba pa. Sa nobela ay mababanggit ang Himagsikan ng mga Puso at Tahanang Walang Ilaw. Ang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat ay tinawag niyang Pangarap Lamang. Kasama sa katipunang ito ang Marilag na Guro, Sa Bayan ni Plaridel, Magsasaka, Nasaan Ka, Bakit, Ulila, Anak ni Eba, at marami pang iba. Ginamit niya ang sagisag na Alpahol sa kanyang pagsusulat. Ang huli niyang naisulat ay isang tula na ang pamagat ay Punungkahoy.

Siya ay binawian ng buhay noong 18 Setyembre 1947 sa gulang na 52.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.