Pumunta sa nilalaman

Julián Felipe

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Julian Felipe
Kompositor ng Lupang Hinirang
Kapanganakan28 Enero 1861
Kamatayan2 Oktubre 1944
TrabahoKompositor
Kilala saKompositor ng Pambansang Awit ng Pilipinas

Si Julian Felipe y Reyes (28 Enero 1861 – 2 Oktubre 1944) ay kinikilala bilang may-katha ng Lupang Hinirang ang pambansang awit ng Pilipinas na dating tinatawag na "Marcha Nacional Magdalo".[1]

Ipinanganak si Julián Felipe sa Lungsod ng Cavite, Cavite. Isang mahusay na guro ng musika at kompositor, itinalaga siya ni Emilio Aguinaldo bilang Direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas. Pumanaw siya sa Maynila.

Si Julian ay nag-aral sa isang pampublikong paaralan sa Binondo, Maynila. Dito siya natutong tumugtog ng piyano at kinalaunan ay naging organista rin siya sa simbahan ng San Pedro. Bukod sa pagtugtog ng piyano ay nagkatha rin siya ng mga awiting gaya ng Mateti el Santesismo, Cintas y Flores at Amorita Danga. Nagkamit siya ng karangalang diploma bilang pagkilala sa kanyang kakayahan dahil sa mga awiting ito.

Pansamantalang isinantabi ni Julian ang musika nang siya ay sumanib sa kilusan ng kalayaan sa Kabite. Naaresto at nakulong siya noong 2 Hunyo 1898 ngunit nakalaya rin naman. Kinuha siya ni Heneral Aguinaldo bilang isang piyanista at kompositor. Nang ihayag ang Unang Republika ng Pilipinas noong 12 Hunyo 1898 sa balkonahe ng bahay ni Heneral Aguinaldo sa Kawit, Kabite ay iwinagayway ang watawat ng Pilipinas kasabay ng pagtugtog ng martsang kinatha ni Julian Felipe. Dahil dito ay hinirang siya ni Heneral Aguinaldo bilang direktor ng Pambansang Banda ng Unang Republika ng Pilipinas.

Sa larangan ng politika si Julian ay nanilbihan bilang konsehal ng lungsod ng Kabite, Kabite noong taong 1902. Siya ay binawian ng buhay noong 2 Oktubre 1944.

Himagsikang Pilipino

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nang pumutok ang himagsikang Pilipino, sumali si Felipe sa mga kababayan niyang mga Kabitenyo na lumaban sa mga Kastila. Nadakip siya at ikinulong sa Fort San Felipe sa Cavite.

Nang pinalaya, sumali ulit siya sa pangkat ni Emilio Aguinaldo. Sumulat siya ng mga makabayang mga awitin na pumukaw sa damdamin ng mga kababayan niya upang ituloy ang paglabila.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Lim, Josh. "Philippines "Lupang Hinirang" (Beloved Land)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-24. Nakuha noong 2007-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)