Kīlauea
Kīlauea | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 4,091 ft (1,247 m) |
Mga koordinado | 19°24′26″N 155°17′00″W / 19.40722°N 155.28333°W |
Heograpiya | |
Lokasyon | Hawaiʻi, USA |
Magulanging bulubundukin | Kapuluan ng Hawaii |
Heolohiya | |
Edad ng bato | < 23000 taon |
Uri ng bundok | Shield volcano |
Arko/sinturon ng bulkan | Hawaiian-Emperor seamount chain |
Ang Kīlauea ay isang aktibong bulkan sa kapuluan ng Hawaii, isa sa limang shield volcano na bumubuo para mabuo ang pulo ng Hawaii. Sa Wikang Hawayano, ang salitang kīlauea ay nangangahulugang "sumusuka" o "malakihang pagkalat", isang panangguni sa madalas na paglabas ng bundok ng lava. Patuloy na nilalabasan ng lava ang Puʻu ʻŌʻō simula Enero 1983. noong 1988 ang Kīlauea ay kinilala bilang ang pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo,[1] isang napakahalagang kayamanan para sa mga bulkanologo at masasabing ang bulkan na pinakamadalas puntahan sa buong mundo. Ang bolyum na nailabas ng bulkan ay maaaring makagagawa ng isang daan na makaiikot sa mundo ng 3 beses. Ang lava na kumulang sa 1000 taon ay sumasakop sa 90% ng Kīlauea.[2]
Ang Kīlauea ay ang pinakasariwang bulkan sa isang serye ng mga bulkan na gumawa ng kapuluan ng Hawaii. Habang ang Pacific Plate ay gumalaw at gumagalaw sa ibabaw ng hotspot ng Hawaii (tingnan ang Lōʻihi Seamount), nabuo ang kapuluan. Isang pagputok mula 1983 ay nagpapatuloy hanggang ngayon. Ito ay nangyari sa bunganga ng Puʻu ʻŌʻō. Libintatlong pagputok ang naganap mula 1952 na hindi binibilang ang kasalukuyang episodyo ng bulkan.
Isang lokal na paniniwala na ang bulkan ay tirahan ng diyosa ng mga bulkan ng Haway na si Pele. Sinasabi sa mga alamat na ang mga pagputok ay nagaganap kapag galit ang diyosa. ang mga konseptong ito ay isinasama sa mga pangtribong awit na kinakanta nga mga nakatira sa rehiyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Juvik, Sonia P. (1998) Atlas of Hawaii, University of Hawaii Press, ISBN 978-0-8248-2125-8, p. 45.
- ↑ "Interesting Facts". Edu. Oracle Foundation. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-10-21. Nakuha noong 2009-03-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)