Pumunta sa nilalaman

Kabayanihan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang bayani ay isang taong mayroong kabayanihan, at mayroong kaugnayan sa pagiging magiting o matapang. Sa mitolohiya at kuwentong-bayang Griyego, ang isang bayani ay orihinal na isang demi-diyos, na ang kulto ay ang pagiging isa sa pinaka katangi-tanging mga tampok ng sinaunang relihiyon ng Gresya.[1] Ang isang demi-diyos ay ang anak na lalaki o babae ng isang imortal at ng isang magulang na mortal, na ang isang halimbawa ay si Herakles, ang anak na lalaki ng reynang mortal na si Alcmene at ang diyos na si Zeus.[2] Sa paglaon, ang salitang bayani ay naging tumutukoy na sa mga tauhan na, sa harap ng panganib at ng kagipitan o mula sa isang katayuan ng kahinaan, ay nagpamalas ng katapangan at ng pagnanais na isakripisyo ang sarili - na tinatawag bilang kabayanihan - para sa ilang mas nakaaangat na kabutihan o kapakanan ng sangkatauhan. Ang kahulugang ito ay orihinal na tumutukoy sa kagitingan o kagalingan ng mandirigma subalit umaabot sa mas panlahat na kahusayang pangmoralidad.

Ang mga kuwento ng kabayanihan ay maaaring magsilbi bilang mga halimbawang pangmoralidad. Sa klasikal na sinaunang kasaysayan, ang mga kulto na pumipintuho sa mga pinupuon o dinudiyos na mga bayaning katulad nina Herakles, Perseus, at Achilles ay nagkaroon ng isang mahalagang gampanin sa relihiyon ng Sinaunang Gresya. Ginamit ng mga politiko ng sinauna at modernong kapanahunan ang pagsamba sa bayani para sa kanilang apotheosis (kulto ng personalidad). Ang mga kuwento ng kalaban ng bayani ay nagkaroon din ng isang pangunahing gampanin sa mitolohiyang Griyego at sa malaking bahagi ng panitikan. Ang isang kalaban ng bayani ay isang protagonista na ang mga katangian ay ang huling inaasahan magmula sa isang tao sa loob ng ilang mga kalagayan; ang isang kalaban ng bayani ay madalas na kulang sa pangkaraniwang mga katangian ng pagkabayani, katulad ng kamaharlikahan, katapangan, at katatagan, katibayan, at lakas ng loob. Ang paboritong uri ng isang kalaban ng bayani ay ang isang indibidwal na walang pagkatao.[2]

Mga sanggunian

  1. Tingnan ang Heroes, Henry George Liddell, Robert Scott, 'A Greek-English Lexicon', na nasa mga sulatin nina Perseus at Plato, 'Cratylus'
  2. 2.0 2.1 “Hero.” Bloomsbury Guide to Human Thought. London: Bloomsbury Publishing LTD, 1993. Credo Reference. Web. 17 Setyembre 2012.