Kabundukang Min
Kabundukang Min | |
---|---|
岷山 | |
Pinakamataas na punto | |
Tuktok | Bundok Xuebaoding (Bundok Kayamanang Niyebe) |
Kataasan | 5,588 m (18,333 tal)[1] |
Mga koordinado | 32°40′N 103°50′E / 32.667°N 103.833°E |
Heograpiya | |
Lokasyon | Sichuan, Mianyang, Gansu |
Rehiyon | Asia |
Magulanging bulubundukin | Kabundukang Hengduan |
Ang Kabundukang Min o Minshan (Tsino: 岷山; pinyin: Mín Shān) ay isang bulubundukin sa gitnang Tsina. Ito ay tumatakbo sa pangkalahatang hilaga-timog na direksiyon mula sa hilagang Sichuan (ang silangang bahagi ng Nagsasariling Prepektura ng Ngawa Tibetano at Qiang at mga katabing lugar ng Mianyang Antas-prepekturang lungsod) at pinakatimog na hangganan ng Gansu. Ang pinakamataas na tuktok ay Bundok Xuebaoding ("Bundok Kayamanang NIiyebe"), 5588 m at ang pangalawang pinakamataas ay ang Bundok Maliit na Xuebaoding ("Bundok Maliit ba Kayamanang NIiyebe"), 5443m.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bulubundukin ng Min ay isang katimugang pagpapahaba ng Kabundukang Kunlun na naghihiwalay sa mga lunas ng dalawang pangunahing ilog ng Sichuan: ang Ilog Min (sa kanluran) at ang Ilog Jialing (sa silangan). Ang parehong mga ilog ay dumadaloy sa pangkalahatang timog na direksyon, at mga sanga ng Yangtze.
Ang Kabundukang Min ay bahagi ng isang mas malawak na bulubunduking rehiyon:
- Amne Machine: Ang hanay na matatagpuan sa dulong kanluran, kilala sa sinaunang Tsino bilang Bundok Jishi (積石山, 积石山, Jīshíshān), bahagi ng Kabudukang Kunlun.
- Kabundukang Xiqing (西倾山): Ang hilagang hanay.
- Kabundukang Qionglai: Ang gitnang bahagi ng hanay sa kanluran ng Ilog Min
- Kabundukang Motian: Ang pinakasilangang pagpapahaba, na sumasanib sa Kabundukang Daba.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ayon sa Mga Tala ng Dakilang Historyador, pinamamahalaan ng Dinastiyang Xia ang bulubunduking ito noong 2000 BK.[2]
Ang Pasong Lazikou, isang lugar na may estratehikong kahalagahan sa panahon ng Mahabang Martsa, ay dumadaan sa Kabundukang Min at nag-uugnay sa hilagang-kanluran ng Sichuan sa timog Gansu.
Ekolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang katangiang ekosistema ng Kabundukang Min at ng Kaundukang Qionglai (na matatagpuan sa kanluran, na hiwalay sa Kabundikang Min ng Ilog Lambak Min) ay inilarawan ng World Wildlife Fund bilang koniperang gubat ng Qionglai-Minshan.[3]
Kabilang sa mahahalagang turismo at pangangalaga ng kalikasan sa Kabundukang Min ang Reserbang Lambak Jiuzhaigou Nature Reserve (sa Kondado ng Jiuzhaigou) at ang Kawili-wiling Pook Pantanawin at Pangkasaysayan ng Huanglong (sa Kondado ng Songpan); parehong nakalista sa talaan ng UNESCO bilang Pandaigdigang Pamanang Pook.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Xuebao Ding, China
- ↑ Nienhauser, ed. Grand Scribe's Records, Volume I. p. 27 n. 76
- ↑ "Qionglai-Minshan conifer forests". Terrestrial Ecoregions. World Wildlife Fund.