Kahariang Ostrogodo
Kaharian ng mga Ostrogodo Regnum Italiae
| |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
493–553 | |||||||||||||
Coin depicting Theodoric the Great (475-526)
| |||||||||||||
Kabisera | Ravenna (493 hanggang 540) | ||||||||||||
Karaniwang wika | Godo, Latin na Bulgar | ||||||||||||
Relihiyon | Official: Arian and Chalcedonian Christianity[1] Minorities: Judaism,[2] Pelagian Christianity,[3] Manichaeism,[3] Roman paganism[4] | ||||||||||||
Pamahalaan | Monarkita | ||||||||||||
King | |||||||||||||
• 493–526 | Theodoric (first) | ||||||||||||
• 552–553 | Teia (last) | ||||||||||||
Panahon | Huling Sinaunang Panahon | ||||||||||||
• Mga Labanan ng Isonzo at Verona | 489 | ||||||||||||
• Pagbagsak ng Ravenna | 493 | ||||||||||||
• Simula ng Digmaang Gotiko | 535 | ||||||||||||
553 | |||||||||||||
|
Ang Kahariang Ostrogodo, na opisyal bilang Kaharian ng Italya (Latin: Regnum Italiae),[5] itinatag ng mga Hermanikong Ostrogodo sa Italya at mga karatig lugar mula 493 hanggang 553.
Sa Italya, ang mga Ostrogodo, na pinamunuan ni Teodorico ang Dakila, ang pumatay at pumalit kay Odoacer, isang sundalong Aleman, na pinuno ng foederati sa Hilagang Italya, at ang de facto na pinuno ng Italya, na pinaalis ang huling emperor ng Kanlurang Imperyong Romano, si Romulo Augustulo, noong 476. Sa ilalim ng Teodorico, ang kauna-unahang hari nito, naabot ng kahariang Ostrogodo ang rurok ng teritoryo nito, mula sa modernong Pransiya sa kanluran hanggang sa modernong Serbia sa timog-silangan. Karamihan sa mga institusyong panlipunan ng huling Kanlurang Imperyong Romano ay napanatili sa panahon ng kaniyang pamamahala. Tinawag ni Theodoric ang kaniyang sarili na Gothorum Romanorumque rex ("Hari ng mga Godo at Romano"), na ipinapakita ang kaniyang pagnanais na maging isang pinuno para sa parehong pangkat ng tao.
Simula noong 535, sinalakay ng Imperyong Bisantino ang Italya sa ilalim ni Justiniano I. Ang pinuno ng Ostrogothic sa oras na iyon, si Witiges, ay hindi nagawang mapagtagumpayang ipagtanggol ang kaharian at humantong sa pagsakop at pagbagsak ng kabeserag Ravenna. Sinuportahan ng mga Ostrogodo ang isang bagong pinuno, si Totila, at higit sa lahat nagawang baligtarin ang pananakop, ngunit sa kalaunan ay natalo. Ang huling hari ng Kahariang Ostrogodo ay si Teia.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Cohen (2016), pp. 510–521.
- ↑ Cohen (2016), pp. 504–510.
- ↑ 3.0 3.1 Cohen (2016), pp. 523, 524.
- ↑ Cohen (2016), pp. 521–523.
- ↑ Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus Senator, Variae, Lib. II., XLI. Luduin regi Francorum Theodericus rex.
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Ostrogoths sa Wikimedia Commons