Kalinangang Wessex
Panahon ng Tansong Pula |
↑ Panahon ng Tanso |
Aprika, Malapit na Silangan (hk. 3300–1200 BKP)
Lupalop ng Indiya (hk. 3300–1200 BKP) Europa (hk. 3200–600 BKP)
Silangang Asya (hk. 3100–300 BKP) |
↓Panahon ng Bakal |
Ang kalinangang Wessex ay ang pangunahing sinaunang kalinangan noong panimula ng Panahon ng Tansong Pula sa kalagitnaan at katimugang Britanya. Ito ay unang tinukoy ng isang arkeolohistang Briton na si Stuart Piggott noong 1938. [1] Ito ay hindi dapat ipagkamali sa kalaunang kahariang Sahon ng Wessex.
May kaugnayan ito sa kalinangang Hilversum ng katimugang Olandes, Belhika, at ng kahilagaang Pransya. Magkatugnay rin ito sa mga armorikang puntod ng kahilagaang Pransya,[2] huwaran ng pangkat ng Gitnang Rin ng kalinangang basong imbudo, at kalimitang hinahati sa magkasunurang mga yugto ng Wessex I (2000-1650 BKP) at Wessex II (1650-1400 BKP). Ang Wessex I maiiugnay sa mga huling yugto ng pagtatayo at paggamit ng Stonehenge.[3]
Noong una ay inililibing nila ang kanilang mga yumao sa isang puntod ngunit kalauna'y sinusunog nila ang mga ito kasama ang ari-ariang pampuntod. Masasabing mayroon silang malawak na pakikipagkalakalan sa kalupalupang Europa, na kung saan inaangkat nila ang mga marilaw galing ng Baltiko, mga alahas na nagmumula sa ngayong Alemanya, ginto galing sa Bretanya, pati na rin ang mga punyal at abaloryo na nagmumula pa sa Misenikang Gresya. Ipinalalagay na naging pangunahing ugnayan ng kalakal ang Wessex sa pagitan ng Wawa ng Severn dahil sa pahatiran sa pamamagitan ng ilog.[4] Ang pakinabang ng pangagalakal na ito ang marahil ang nagbigay-daan upang matapos ng Wessex ang pagtayo ng Stonehenge sa ikalawa ang ikatlong (megalitikong) mga yugto nito. Ipinapakita rin nito na ang Wessex ay may matatag na lipunan..[5]
Noong panimula ng pananaliksik sa sinaunang kasaysayan ng Britanya, nabuo ang katawagang 'Kalinangang Wessex' at ang mga naitalang paglilibing sa Wessex ay mayabong sa panitikan ng Panahon ng Tansong Pula. Noong ika-20 dantaon, marami pa ang naidagdag sa talaan ng paglilibing sa Panahon ng Tansong Pula at malaki ang nabago sa mga palagay ukol sa katangian ng panimula ng gitnang Panahon ng Tansong Pula. Simula noong mga huling ika-20 dantaon, sa halip na isang hiwalay na panlipunang pangkat, nakaugalian na ang 'Kalinangang Wessex' ay itinuturing na maliit na panlipunang saray lamang, lalo pa't tinutukoy nito ang daan-daang mga puntod na may mayayamang kasangkapan sa Wiltshire. Subalit ang panlipunang pangkat ay itinuturing na isa sa mga mabalagsik na pangkat ng Basong Imbudo ng Irlanda.[6]
Talaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ [1] The Concise Oxford Dictionary of Archaeology - Timothy Darvill, 2002, Wessex culture, d.464, Oxford University Press, ISBN 0-19-211649-5
- ↑ The Armorican Tumuli of the Early Bronze Age, A Statistic Analysis for Calling the Two Series into Question -Mareva Gabillot et al.
- ↑ Barry W. Cunliffe, The Oxford Illustrated History of Prehistoric Europe. Oxford University Press, 2001. d.254
- ↑ SHERRATT, ANDREW (1996). "WHY WESSEX? THE AVON ROUTE AND RIVER TRANSPORT IN LATER BRITISH PREHISTORY". Oxford Journal of Archaeology. 15 (2): 211–234. doi:10.1111/j.1468-0092.1996.tb00083.x.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Dr Andrew Fitzpatrick, Wessex Culture-an elitist sub group? Wessex Archaeology, December 2012
- ↑ Ancient Ireland, Life before the Celts - Laurence Flanagan, 1998, d.83, Gil & MacMillan, ISBN 0-7171-2433-9
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Piggott, S 1938. The Early Bronze Age in Wessex, Proc. Prehist. Soc. 4, 52-106.
- Piggott, S 1973. The Wessex culture of the Early Bronze Age, Victoria County History Wiltshire I (ii), 352-75.
- Coles, J M and J Taylor 1971. The Wessex Culture, a minimal view, Antiquity 45, 6-14.