Kalinis-linisang Puso ni Maria
Ang Kalinis-linisang Puso ni Maria | |
---|---|
Benerasyon sa | Simbahang Katolika Romana |
Kapistahan | Sabado kasunod ng Kapistahan ng Kabanal-banalang Puso |
Katangian | Pusong nag-aalab at sugatan; pusong may tabak at napaliligiran ng mga rosas at lirio. |
Patron | Alliance of Sacred Hearts, Ecuador |
Ang Kalinis-linisang Puso ni Maria ay isang pandebosyong pangalang gamit upang tukuyin ang buhay ng Birhen Maria — ang kaniyang mga tuwa at mga hapis, ang kaniyang kabutihan at tagông perpeksyon, at higit sa lahat, at kaniyang dalisay na pagmamahal sa Diyos Ama, ang pagmamahal ng ina sa kaniyang anak na si Hesus, at ang kaniyang pagmamalasakit sa sanlibutan.[1]
Paminsan-minsang ginagamit ng Silanganing Simbahang Katolika ang imahen, debosyon, at teolohiyang may kaugnayan sa Kalinis-linisang Puso ni Maria. Ito'y nagiging sanhi ito ng ilang kontrobersiya, na sa tingin ng iba'y Latinisasyon ng liturhiya. Nakabatay sa Mariolohiya pananaw ng Katoliko Romano gaya ng ipinakitang halimbawa ni Papa San Juan Pablo II sa kaniyang Liham Apostolika na Rosarium Virginis Mariae.[2]
Tradisyonal na inilalarawan ang puso ni Maria na tusok-tusok ng pitong espada o may pitong sugat bilang paggunita sa kaniyang pitong hapis. Ginagamit din ang rosas at iba pang klase ng bulaklak na nakabalot sa kaniyang puso sa paglalarawan nito.
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Immaculate Heart of Mary " ng en.wikipedia. |