Pumunta sa nilalaman

Bitak na panggulugod

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kanal na espinal)
Spinal canal
Isang karaniwang gulugod na pampitso na tinatanaw magmula sa itaas. (Ang bitak na panggulugod o spinal canal ay walang katatakan, subalit ang butas na nasa gitna ay ang bumubuo sa bahagi ng isang bitak na panggulugod.)
Mga bitak sa katawan ng tao: Ang bitak na panggulugod ay tinatawag na spinal cavity na nasa bandang kaliwa
Mga detalye
Latinc. vertebralis
Mga pagkakakilanlan
MeSHA02.835.232.834.803
Dorlands
/Elsevier
c_04/12208918
TAA02.2.00.009
FMA9680

Ang bitak na panggulugod (Ingles: spinal canal, vertebral canal, o spinal cavity), tinatawag ding hukay na panggulugod, puwang na panggulugod o kanal na panggulugod, ay ang puwang o patlang na nasa loob ng gulugod kung saan dumaraan at lumalagos ang kurdong panggulugod. Isa itong proseso ng panlikod o dorsal na puwang sa katawan ng tao. Ang kanal na ito ay nakalakip sa loob ng porameng bertebral ng gulugod (bertebra). Sa loob ng mga puwang na interbertebral, ang kanal ay pinuprutektahan ng ligamentum flavum sa likuran (posteryor) at ng posteryor na longhitudinal na ligamento sa harapan (anteryor).

Ang pinaka panlabas na suson ng meninges, ang dura mater, ay malapit na may kaugnayan sa arachnoid na siya namang maluwag na nakaugnay sa pinaka panloob na suson ng meninges, ang pia mater. Hinahati ng meninges ang bitak na panggulugod upang maging espasyong epidural at ang espasyong sub-akarnoyd. Ang pia mater ay malapit na nakakabit sa kurdong panggulugod. Ang isang espasyong subdural]] ay pangkalahatang tanging naroon lamang dahil sa mga kalagayang may trauma at/o pampatolohiya. Ang espasyong sub-araknoyd ay puno ng pluwidong serebro-espinal at naglalaman ng mga sisidlan, na tinatawag na anteryor na arteryang espinal at ang magkatambal na posteryor na mga arteryang espinal, na nagbibigay ng mga kailangan dugo ng kurdong panggulugod, at kinasasamahan ng isang kaukol na mga benang espinal. Ang mga arteryang espinal (panggulugod) ay bumubuo ng mga anastomosis (anastomoses, kapag maramihan) na nakikilala bilang basokorona (vasocorona) ng kurdong panggulugod. Ang espasyong epidural ay naglalaman ng maluluwag na mga tisyung matataba, at ng isang kayariang parang lambat na tinatawag na panloob na mga pleksus na pambenang panggulugod.

Ang bitak na panggulugod ay unang inilarawan ni Jean Fernel.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.