Pumunta sa nilalaman

Kankanaey

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kankanaey
Isang lalaking Kankanaey sa Mankayan, Benguet (noong c. 1904).
Kabuuang populasyon
466,970[1] (2020)
Mga rehiyong may malaking bilang nila
 Pilipinas (Rehiyong Administratibo ng Cordillera)
Wika
Kankanaey, Ilokano, Tagalog
Relihiyon
Kristiyanismo, Indigenous folk religion
Kaugnay na mga pangkat-etniko
Mga Igorot

Ang mga Kankanaey, binabaybay ding Kankana-ey, Kankanai, o Kankanay, ay naninirahan sa kanlurang bahagi ng Lalawigang Bulubundukin o hilagang bahagi ng Benguet sa Pilipinas. Wikang Kankanaey ang tawag sa kanilang lenggwahe.

Ang mga Kankanaey ay ang mga pinag-apuhan ng mga semi-literate na Malay na dumayo sa Pilipinas sa pamamagitan ng Lingayen gulf.[2]

Katulad ng ibang [1][patay na link], ang mga Kankanaey ay kasama sa mga gumawa ng mga nakakiling na sakahan upang mapalawak ang lupain ng Cordillera. Ang mga Kankanaey ng kanlurang Mountain Province mula sa munisipalidad ng Sagada at Besao ay kinikilala ang kanilang mga sarili bilang parte ng tribong tinatawag na Applai o Aplai. Dalawang sikat na institusyon ng mga Kankanaey ng Mountain Province ay ang dap-ay, ang dormitory ng mga kalalakihan at isang civic center; at ang began, ang dormitory ng mga babae kung saan nagaganap ang ligawan ng mga dalaga’t binata.[3]

Ang mga purong Kankanaey ay matatagpuan sa kanluran, hilaga, at silangang bahagi ng Benguet. Ngunit dahil na rin sa intermarriages ay umuunti ang mga namamalagi sa lugar na ito.[2]

Kankanaey din ang tawag maging sa wika ng mga Kankanaey. Ito ay malimit na gamitin ng mga Cordillerans partikular ng mga taga-kanlurang bahagi sa Mountain Province at sa hilagang Benguet.[4] Ang Igorot ng Hilagang Benguet (at halos lahat ng namamalagi sa Amburayan at timog Lepanto) ay nagsasalita ng parehong diyalekto, parehong adwana at tinatawag ang kanilang sarili bilang Kakanay o Kankanay. Ang kultura ng grupong ito ay walang mahalagang pinagkaiba sa cultural features ng mga Nabaloi. Lingguwistika ang isa sa maaaring basehan ng kanilang pagkakaiba.[5]

Pagkakakilanlan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mayorya sa mga Kankanay ay kawangis ng mga Nabaloi. Ang pinagkaiba ng mga babaing Kankanay sa mga Nabaloi ay matutunghayan sa kanilang pananamit.[5]

Ang mga Kankanaey ay nagkakaiba sa kanilang pananamit. Ang tradisyunal na damit naman ng mga babae ay tinatawag na palingay o tapis.[6]

Ang mga kababaihan na soft-speaking ay may kombinasyon ng mga kulay puti, itim at pula. Ang disenyo ng pantaas na damit ay criss-crossed style ng puti, itim at pula. Ang pang-ibaba naman ay (tapis) ay kombinasyon ng stripes ng itim, puti at pula. Ang mga kababaihang hard-speaking naman ay nagsusuot ng pang-itaas na mas pansin ang pula at itim, at saka kaunting puting istayl. Ang kanilang palda o tapis ay tinatawag na bakget at gating. Ang mga kalalakihan naman ay nagsusuot ng bahag at tinatawag itong wanes.[3]

Ayon kay David Barrows, ang mga kalalakihan ay nagpapahaba ng buhok at nagpapatubo ng bigote. Kung sila ay nagluluksa, ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng amoso (headband). Ngunit, sa paglipas ng panahon, ito ay nabago rin (maliban sa mga nakakatanda). Kung sila ay nagtatanim, hindi sila nagsusuot ng pang-itaas na damit. Kung nasa bahay naman, sila ay nagsusuot ng kaba.[6]

Unti-unting nawala ang tradisyon ng pagtatatu at pagsusuot ng leglet (pulseras sa binti). Ang kanilang palamuti – mga palamuti sa buhok at kwintas – ay karaniwang gawa sa beads.[7]

Ang mga Kankanay ay mahiyain at mapagsarili ngunit konserbatibo sa kanilang mga kaugalian, tradisyon, at pamamaraan. (Igualdo, 1989) Kultura

Ang kultura ay ginagamit ng tao upang masanay sa kanyang kapaligiran at magkaroon ng komunikasyon sa iba pang miyembro ng lipunan, nang sa gano’n ay kaniyang maka-istratehiya at organisa ang mga ito. Hindi taliwas ang Hilagang Kankanaey sa ganitong uri ng pagsasanay sa kanilang mga paniniwala at ritwal. Isa sa laganap na gawain ng Hilagang Kankanaey ay ang pag-aalay ng mga hayop.

Bawat pangyayari sa isang buhay ng tao na kabilang sa Kankanaey at Ibaloi ng Benguet ay may kani-kaniyang ritwal: mula pagbubuntis at panganganak hanggang sa kamatayan at maging ang mga okasyon tulad ng kagalingan ng isang tao at pagpapasalamat ng buong komunidad. Pinaniniwalaang nakaka-apekto ang relihiyon at tradisyon sa kanilang mga pananim, na siya ring paniniwala sa iba pang grupong etniko sa Cordillera. Mayroon ding kritisismo sa mga tribo ng hilaga lalo na noong panahon ng kolonisasyon ng Espanya.[8]

Ang mga ritwal ng mga Kankanaey ay maaaring mahati sa dalawa: Ang pagbibigay pasasalamat o ang prestehiyosong sida (Cañao) at ang mga ritwal na panggamot.[2]

Ang kagamitang pang-musika ay mga tambol at gong na may iba’t-ibang tawag. Ginagamit nila ang mga ito upang tumugtog sa mga ritwal na ipinagdiriwang. Ang kanilang mga sayaw at kanta ay sinasabayan nila ng tugtog ng mga instrumento. Ang solibao (drums) at ang gangsa, pinsak, katlo, kap-at, kalima (gongs), at ang tak-ik (a piece of elongated iron) ay ginagamit pa rin ng mga Kankanaey. Mayroon ding mga instrumenting gawa sa kahoy: ang tal-lak. Ang tunog ng silibao at gongs ay nagpapahiwatig na mayroong sida (cañao) na nagaganap.[2]

Istruktura ng Bahay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang istruktura ng kanilang bahay ay simple lamang, ang bubong ay gawa sa cogon at ang loob ay apat na sulok lamang. Ito na ang nagsisilbing tulugan, lutuan at tanggapan ng kanilang mga bisita.[2]

Ang kanilang ikinabubuhay ay ang pagtatanim, pag-aalaga ng hayop, at paggugubat; ito ay dahil na rin sa kanilang kapaligirang ginagalawan. (Igualdo, 1989) Pareho ang naging pag-unlad ng industriyal na pamumuhay ng mga Kankanay at Nabaloi. Ang inilamang lamang ng Nabaloi ay mas marami silang pananim na bigas. Parehas rin ang kanilang mga kagamitan.[5]

Organisasyon sa paggawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang organisasyon sa paggawa sa mga Kankanay ay nababagay sa edad at kasarian. Pagsasaka ang karaniwang trabaho. Ang mga batang nasa edad siyam pataas ay naaatasang alagaan ang kanilang mga kapatid.[6]

Ang mga inaalagaang hayop ng mga Kankanay ay manok, aso, baboy, at kalabaw. Mayroon ding kakaunting kambing at baka.[6]

Rice terraces ang pangunahing napagyabong ng mga Kankanay.[6]

Bihirang aminin ng mga Kankanay ang tutal na sukat ng kanilang mga lupain dahil sa takot na madagdagan ang kanilang binabayarang buwis.[6]

Pangangaso at Pangingisda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangangaso ng mga Kankanay ay ginagawa lamang kung may malayang oras. Ang pangingisda naman ay bihira dahil maunti lamang ang anyong tubig sa kabundukan.

Gumagamit na ang mga Kankanay ng salapi ng Pililipinas bago pa man ang digmaan.[6]

Naglaho din ang industriya ng paghahabi ng tela dahil sa mas magandang kalidad ng pagtetela sa Baguio City, Bontoc at baybaying Ilocos.[6]

Ipinaliwanag ng NEDA-CAR na ang lipunan sa Cordillera ay base sa pagkakamag-anakan. Ito ang naging haligi ng pagkakaisa sa pagitan ng bawat pamilya. Sa usapang pampolitika, demokrasya ang paraan sa pagpili ng mga pinuno sa pamamagitan ng tradisyunal na grupo ng konseho tulad ng ato, dap-ay, tongtong at papagat.[8]

Katulad ng sa mga Nabaloi, ang tradisyon ng mana sa mga Kankanay (sa timog na parte ng Benguet) ay ang pagpapasa sa susunod na henerasyon: ang mga magulang, kapatid na lalaki at tiyuhin ang may karapatan na humawak sa yaman. Isa pang prinsipyong parehas pinapairal ng dalawang pangkat sa Benguet ay ang pagkakaroon ng mga kamag-anak ng pantay-pantay na hati sa mana.[5]

Ang mga Kankanay (timog) at ang mga Nabaloi ay mayroon ring parehas na paniniwala patungkol sa kasal. Ang mga anak ay katipan ng mga magulang. Samanatala, sa mga Kankanay namang taga-hilaga, mayroon silang kalayaan kung sino ang kanilang mapapangasawa.[5]

Ang paghihiwalay o divorce sa Kankanay ay madalas kahit na sinasabi nilang hindi sila naghihiwalay kung may anak na ang mag-asawa.[5]

Sa mga kaso naman ng krimen o pagkakasala, mas malaki ang porsiyento ng mga kaso na nasusolusyonan ng mga Kankanay kaysa sa mga Nabaloi dahil mas nauna silang makadiskubre ng listahan ng patakaran at batas.[5]

Ang panitikan ng Kankanay ay may apat na klase ng folktales. Una, ang Märchen. Ang Märchen ay maihahalintulad sa mga fairytales ng Amerika. Ang istory ay kadalasang umiinog sa kaguluhan ng iba’t-ibang bahagi ng kuwento na nagpapakita ng tulungan sa mga karakter. Ang pangalawa naman ay tinatawag na trickster tale: nagpapakita ito ng bida na may pabagu-bagong ugali at mapaglaro. Kadalasan ay siya rin ang nabibiktima ng kanyang mga panlilinlang. Animal stories ang pangatlo, ang mga karakter sa kuwentong ito ay mga hayop. At ang pang-apat, ang mga narrative songs (day-eng). Ang mga ito ay pangkaraniwang maikli at padayalogo.[9]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Ethnicity in the Philippines (2020 Census of Population and Housing)". Philippine Statistics Authority. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Igualdo, L., (1989). The social world of the Kankana-eys. Published graduate thesis, Baguio City: Baguio Central University
  3. 3.0 3.1 Kankanaey people. (n.d.). In Wikipedia, the free encyclopedia. Retrieved from http://en.wikipedia.org/wiki/Kankanaey_people
  4. Kankanaey (2012 Enero 2) In Wikipedia. Retrieved from http://en.wikipedia.org/wiki/Kankanaey
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 5.4 5.5 5.6 Moss, C. R., (1920). Kankanay ceremonies (Vol. 15, No. 4). California: University of California Publications in American Archeology and Ethnology. pp. 343–384
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 6.4 6.5 6.6 6.7 Bello, M. C., (1972). Kankanay social organization and cultural change. Quezon City: Community Development Research Council, University of the Philippines.
  7. Bello, M. C., (1972). Kankanay social organization and cultural change. Quezon City: Community Development Research Council, University of the Philippines. c
  8. 8.0 8.1 Salio-an Kollin, A. (1992) The Ethnocultural Rites of the Northern Kankanaey in the Cordillera. Published graduate thesis, Baguio City: Baguio Central University. pp 34–50
  9. Lua, N. N. (1984). Fiction in the traditional Kankanay society (Humanities Monograph Series 1). Baguio City: University of the Philippines College Baguio