Pumunta sa nilalaman

Kanye West

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kanye West
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakKanye Omari West
Kapanganakan (1977-06-08) 8 Hunyo 1977 (edad 47)
Atlanta, Georgia, Estados Unidos
PinagmulanChicago, Illinois, Estados Unidos
GenreHip hop, chicago hip hop
TrabahoProducer, rapper, poet, Songwriter, philanthropist
InstrumentoVocals, percussion, piano
Taong aktibo2000–present
LabelGOOD Music, Roc-A-Fella, Def Jam
Websitekanyeuniversecity.com

Si Kanye Omari West (bigkas: /ˈkɑnjɛj/; ipinanganak noong 8 Hunyo 1977)[1] ay isang Amerikanong rapper at record producer. Inilabas niya noong 2004 ang kanyang unang album na pinamagatang The College Dropout, ang kanyang ikalawang album noong 2005 ang Late Registration at ang kanyang ikatlong album na Graduation naman noong 2007. Ang kanyang unang tatlong album ay nagwagi ng maraming mga parangal.[2][3][4] Si West ay nagpapatakbo rin ng sarili niyang record label ang Good Music.[5] Ang mascot at trademark ni West ay ang "Dropout Bear," isang teddy bear na lumabas sa tatlong album nito."[6]

Ang mga magulang ni West ay nagdiborsyo noong isya ay tatlong taon pa lang, at siya at ang kanyang ina ay lumipat sa Chicago, Illinois. Siya ay nag-aral sa Chicago State University subalit huminto rin para ipursige ang kanyang karera sa musika. Lumaon ay natamasa niya rin ang kasikatan sa paglikhang mga sikat na awit para sa mga musikerong gaya nila Jay-Z, Alicia Keys, at Janet Jackson.

Noong 16 Mayo 2008, si Kanye West ay kinoronahan ng MTV bilang #1 "Hottest MC In The Game."[7]

Buhay at Karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Kanye West ay ipinanganak sa Atlanta, Georgia,[8] kung saan nakatira siya kasama ng kanyang mga magulang. Nang siya ay tatlong taong gulang (tulad ng nasabi sa "Hey Mama") ang kanyang mga magulang ay nagdiborsyo, at siya at ang kanyang ina ay naglumipat sa Chicago, Illinois. ANg kanyang ama ay si Ray West, na isa sa mga unang Amerikanong itim na photojournalist sa Atlanta Journal-Constitution, at ngayon ay isa nang Kristiyanong tagapayo.[9] Ang ina ni West, na si Dr. Donda West, ay isang Propesor ng Ingles sa Clark Atlanta University, at ang Pinuno ng Kagawaran ng Ingles sa Chicago State University bago magretiro bilang tagapamahala ni West.

Si West ay kumuha ng ilang klase sa sining sa American Academy of Art, isang paaralang pangsining sa Chicago, at nag-aral din sa Chicago State University, subalit huminto rin dahil sa mabababang grado at ang pangunahing interest ay ang pagpapabuti niya sa kanyang karera sa musika.

The College Dropout (2002–2004)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 23 Oktubre 2002, naaksidente sa kotse si West habang siya ay pauwi mula sa recording studio. Ang aksidente ang nagbigay inspirasyon kay West para sa kanyang unang sigle, ang "Through the Wire."[10] Ang pananampalataya ni West ay makikita sa karamihan ng kanyang mga awit, gaya ng "Jesus Walks", na naging pangunahing awit sa kanyang pagtatanghal, gaya sa konsiyerto ng Live 8. Ang awit na ito ay isinama sa unang album ni West, ang The College Dropout, na inilabas ng Rock-A-Fella Records noong Pebrero 2004, at nagtamo ng magagandang kritisismo. Ang album din ang naglarawan sa istilo ni West kung saan siya kilala ngayon, kasama ang pag"wordplay" at Sampling.[10] Naging sertipikadong tripleng platinum ang album. Ang mga panauhing paglabas ay kinabibilangan nina Jay-Z, Ludacris, GLC, Consequence, Talib Kweli, Mos Def, Common, at Syleena Johnson. Ang album ay naglalaman din ng mga single na, "All Falls Down", at "The New Workout Plan," pati na rin ang single ni Twista na, "Slow Jamz."[11] Noong 2003, kasamang prinodus ni West ang mga awit para sa Ingles na mang-aawit na si Javine Hylton,, at lumabas din sa music video nito na Real Things at ginampanan ang papel na love interest ni Javine.

Late Registration (2005)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si West at Jamie Foxx sa pagtatanghal ng "Gold Digger" sa Democratic Convention sa Denver, Colorado

Nakipagtulungan si West sa Amerikanong komposer ng film score na si Jon Brion upang buuin ang kanyang ikalawang album, ang Late Registration, na inilabas noong 30 Agosto 2005[12] Like its predecessor, the sophomore effort garnered universal acclaim from music critics.[13] Nanguna sa maraming talaan ng mga kritiko ang Late Registration at pinagpitagan bilang isa sa pinakamahusay ng album ng taon ng ilang mga palimbagan, kasama na ang USA Today, Spin, at ang Time.[14][15] Binigyan ng Rolling Stone ang album ng pinakamataas na posisyon sa kanilang talaan ng mga awit ng katapusan ng taon.[16] Nakuha ng rekord ang pinakaunang posisyon sa botohan ng mga kritiko ng Jazz & Jop ng Village Voice noong 2005 sa magkasunod na dalawang taon.[17] Naging pangkalakalan (commercial) na matagumpay din ang Late Registration na nakabenta ng mahigit sa 860,000 kpya sa unang linggo pa lamang nito at nanguna sa Billboard 200.[18]

Mga ilang Kontrobersiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 13 Setyembre 2009, si Taylor Swift ay tinanggap niya ang award niya para sa Best Female video, si West ay pumunta sa entablado at kinuha agad-agad ang mikropono at sinabi na mas karapat dapat na si Beyonce na maparangalan para sa music video niya na; "Single Ladies (Put a Ring on It)". Noong tinanggap ni Beyonce ang award niya para sa Best Video of the Year para sa kantang "Single Ladies (Put a Ring on It)" tinawag niya si Swift upang ituloy ang kanyang pagsasalamat. Si West ay napunahin ng ilang artista para sa pagsilakbo, at ang pangulo ng U.S. na si Barack Obama na tinawag siya na "jackass" sa komento ng "off the record". Siya ay naglathala ng dalawang patawad para sa pagsilakbo sa kanyang blog, isa noong araw ng pangyayari at pangalawa na siya ay nasa programang "The Jay Leno Show" noong 14 Setyembre 2009, na nagpatawad uli. Pagkatapos na si Swift ay nasa programang "The View" dalawang araw pagkatapos ng pagsilakbo, personal na nagpatawd si West. Tinanggap ni Swift ang pagtatawad ni West.

live, 2007
  1. "Kanye facts!". Channel 4. 2007-08-17. Nakuha noong 2008-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "2005 Grammy Award Winners". CBS News. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "List of Grammy winners". CNN. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "50th Annual Grammy Awards Winners List". Grammy Awards. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-04-04. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "GOOD Music". GOOD Music. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "From Beyonce to Bono to Bruce, Busy B's Held Sway in Pop". The Washington Post. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "'Hottest MCs In The Game': #1 Kanye West". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-09-13. Nakuha noong 2008-08-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Kanye West Coming To Redbird". Pantagraph. 2006-03-08. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-12-09. Nakuha noong 2008-04-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Christian, Margena A. (2007-05-14). "Dr. Donda West tells how she shaped son to be a leader in 'Raising Kanye'". Jet. Nakuha noong 2007-08-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 Birchmeier, Jason (2007). "Kanye West - Biography". allmusic. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  11. "Grand Kanye". Calgary Sun. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-02. Nakuha noong 2008-04-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Perez, Rodrigo (12 Agosto 2005). "Kanye's Co-Pilot, Jon Brion, Talks About The Making Of Late Registration". MTV. MTV Networks. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 5 Nobiyembre 2005. Nakuha noong 2 Marso 2006. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  13. "Late Registration". Metacritic. CBS Interactive Inc. 4 Setyembre 2005. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2010-01-30. Nakuha noong 4 Setyembre 2005.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Tyrangiel, Josh (16 Disyembre 2005). "Best of 2005: Music". Time magazine. Time, Inc. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 13 Septiyembre 2006. Nakuha noong 14 Marso 2006. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  15. Hermes, Will (31 Disyembre 2005). "The 40 Best Albums of 2005". Spin. Spin Media, LLC. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 10 Hulyo 2009. Nakuha noong 26 Abril 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "1. Kanye West". Rolling Stone. RealNetworks, Inc. 15 Disyembre 2005. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 18 Hulyo 2007. Nakuha noong 16 Setyembre 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Christgau, Robert (24 Enero 2006). "New York Pazz and Jop Dean's List". Village Voice. Village Voice Media Holdings, LLC. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 25 Abril 2009. Nakuha noong 22 Mayo 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Kanye West Blows Up". Rolling Stone. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2 Disyembre 2008. Nakuha noong 24 Abril 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)