Kapaimbabawan
Itsura
Ang kapaimbabawan o pagpapaimbabaw ay isang katayuan ng pagpapanggap ng pagkakaroon ng mga birtud, moralidad, paniniwalang relihiyoso, mga prinsipyo etc na talagang wala naman ng mga nito. Ang pagpapaimbabaw ay sumasangkot sa pandaraya ng isang nagpapanggap na tao sa iba kaya ito ay itinuturing na isang uri ng kasinungalingan. Ang pagpapaimbaw sa simpleng kahulugan ang pagkabigong sanayin o isagawa ang mga katangiang ipinapangaral o ipinagmamalaki nito. Halimbawa, ang mga telebanghelistang mga Kristiyano na sobrang yaman at namumuhay sa karangyaan ay nangangaral sa telebisyon na dapat sundin ng mga tao ang kautusan ni Hesus ngunit lumalabag sa pagbabawal ni Hesus sa pagtitipon ng kayamanan sa lupa (Mateo 6:19,24, Lukas 18:22).[1][2]