Pumunta sa nilalaman

Kapangyarihan sa likuran ng trono

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kapangyarihan sa likod ng trono)

Ang pariralang "kapangyarihan sa likuran ng trono" ay tumutukoy sa isang tao o grupo na impormal na nagsasagawa ng tunay na kakayahan ng isang mataas na ranggo sa opisina, tulad ng isang pinuno ng estado. Sa politika, ito ay karaniwang tumutukoy sa isang kamag-anak, katuwang, o nominal na napasasailalim sa isang pinunong pampolitika (madalas na tinatawag na "pinunong seremonyal") na nagsisilbing pinunong de facto, na nagtatakda ng mga polisiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malaking impluwensiya at/o mahusay na pagmamanipula.

Ang orihinal na konsepto ng isang kapangyarihan sa likod ng trono ay isang Medyebal na katagang tumutukoy sa ang pagkakataong ang mga patakaran ng monarko ay maaaring itakda ng isang tagapayo na hindi nakaupo sa trono ngunit nakatayo sa likuran nito—marahil ay binubulungan sa tainga ang monarko—malayo sa paningin. Sa mga nagdaang panahon, ang mga miyembro ng pamilya at opisyal o hindi opisyal na tagapayo ay maaaring gampanan sa isang katulad na tungkulin. Minsan mahirap suriin kung ang isang paratang ay totoo o isang teoryang konspiratiba.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.