Pumunta sa nilalaman

Pamamaraang makaagham

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kaparaanang agham)

Ang pamamaraang makaagham ay kalaguman ng mga teknik sa pagsusuri ng mga balagha, ang paglikom ng bagong kaalaman, ang pagtutuwid at pagsasakatuparan ng mga nakalipas ng kaalaman. Batay ito sa mga ebidensyang namamatyagan, empirikal, nasusukat at sumasailalim sa mga matuwid na prinsipyo.

Kahit na ang mga paraan sa larangan ng pag-usisa ay may pagkakaiba, may mga angkin itong katangian na masusumpungan lamang sa makaagham na pag-usisa kaysa sa ibang paraan ng pagpapaunlad ng karunungan. Ang mga mananaliksik sa agham ay nagmumungkahi ng tiyak na huna-huna (hipotesis) bilang paliwanag sa isang likas ng balagha at gumagawa sila ng mga eksperimento upang subukan kung talagang tama ang kanilang hula. Inuulit ang mga hakbanging ito upang mapataas ang pag-asang mahulaan ng mabuti ang mga resulta sa hinaharap. Ang mga hinua na lumalagom sa mas malawak na pag-usisa ay gumaganap na bigkis sa mga mas makitid na huna-huna upang makabuo ng malinaw ng balangkas. Ito rin ay tumutulong sa pagbuo ng mga bagong huna-huna gayundin sa paglalagay sa mga espesipikong huna-huna sa isang mas malawak na pag-unawa.

Karaniwan sa maraming larangan sa pag-usisa ay ang mithiing maging tapat sa sa mga proseso nito upang walang kinikilingan ang isang imbestigador sa pagpapaliwanag sa mga resulta o pagbabago ng resulta. Ang isa pang inaasahan dito ay ang ma-itala ng lubos ang mga impormasyon at pamamaraan upang maingat na masuri ng ibang siyentipiko at mananaliksik at sa gayon mabigyan ng pagkakataong makumpirma ang mga resulta sa pamamagitan ng pag-ulit nito. Nagtatatag din ito upang sukatin ang estadistikang reliabilidad ng resulta. Maaring kasama rin sa makaagham na paraan ang sumubok, kung maaari at kinakailangan, upang makamtan na supilin ang mga bagay na nakapaloob sa larangang inuusisa na maaring mamanipula upang subukin ang bagong huna-huna upang mapalawig ang kaalaman.

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.