Pumunta sa nilalaman

Pagtatambalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Kapareha)

Sa biyolohiya, ang pagtatambalan (Ingles: mating), na tinatawag ding pagpapareha, pagsasama, pangangasawa, o pag-aasawahan, ay ang pagpaparis ng mga organismong may magkaibang kasarian o ng mga organismong hermaproditiko para sa pagtatalik. Sa mga hayop na nakikipagkapwa, kabilang dito ang pagkakaroon, pangangalaga, at pagpapalaki ng mga supling. Ang pagtatalik o kopulasyon ay ang pagsasanib ng mga organong pampagtatalik ng dalawang mga hayop na nagpaparami sa paraang seksuwal para sa inseminasyon at kasunod na pertilisasyong panloob. Ang dalawang indibidwal ay maaaring magkaiba ang kasarian o mga hermaprodito, katulad ng sa kaso ng mga suso, bilang halimbawa.

Para sa mga hayop, ang mga paraan ng pag-aasawahan ay pakikipagtambalan kahit kanino, pakikipagtambalan sa hindi kahalintulad, pakikipagtambalan sa kahalintulad, o pakikipagtambalan mula sa kalipunan ng mga makakatambal. Sa ilang mga ibon, kasangkot dito ang mga ugali ng paggawa ng pugad at pagpapakain sa mga sisiw. Ang gawaing pantao ng pagpapabulog o pagpapakasta ng domestikadong mga hayop at ng pagsasagawa ng artipisyal na inseminasyon sa mga ito ay isang bahagi ng paghahayupan, na may kaugnay ng pagbubukid at pagsasaka.

Sa ilang mga panlupang mga artropod, kabilang ang mga kulisap na kumakatawan sa mga kladeng basal o primitibo at pilohenetika, ang lalaki ay nagdedeposito ng spermatosoa sa substrata, na paminsan-minsang iniimbak sa loob ng isang natatanging kayarian. Ang namamalas na pagliligawan ay kinabibilangan ng pagkayag sa babae na kuhanin ang pakete ng esperma papaloob sa kanyang butas na pangkasarian na walang nagaganap na tunay na pagtatalik. Sa mga pangkat na katulad ng mga tutubi at maraming mga gagamba, ang mga lalaki ay nagtutulak ng esperma papasok sa isang pangalawang mga kayariang pampagtatalik na tinanggal mula sa kanilang butas na pangkasarian, na pagkaraan ay ginagamit upang inseminahan ang babae (sa mga tutubi, isa itong sternite na may modipikasyon o pagbabago na nasa pangalawang segmentong pangtiyan); sa mga gagamba, ito ang mga pedipalp ng lalaki. Sa masusulong na mga pangkat ng mga kulisap, ginagamit ng lalaki ang kanyang aedeagus, isang kayarian na nabuo magmula sa mga hantungang segmento ng tiyan, upang tuwirang makapag-impok ng esperma (bagaman paminsan-minsang papasok sa isang kapsulang tinatawag na espermatoporo) papasok sa pitak na pangreproduksiyon ng babae.

Ang ibang mga hayop ay nagsasagawa ng reproduksiyong seksuwal sa pamamagitan ng pertilisisasyong panlabas, kabilang ang maraing mga basal o primitibong mga bertebrado o nagugulugudan. Ang mga bertebrado katulad ng mga reptilya, ilang mga isda, at karamihan sa mga ibon ay nagpaparami o nag-aanak sa pamamagitan ng panloob na pertilisasyon, sa pamamagitan ng pagtatalik na ginagamit ang cloaca (tingnan din ang hemipenis), habang ang mga mamalya ay nakikipagtalik sa pamamagitan ng puki.

Para sa ilang mga hayop, ang pagtatalik ay maaaring may kaugnayan o walang kaugnayan sa reproduksiyon; halimbawa na ang mga tsimpansi at natatangi na ang mga bonobo na nalalamang nakikipagtalik kahit hindi mabubuntis, maaaring para sa kasiyahan at kasarapan, na nagdurulot ng pagpapalakas ng pagiging matalik at magkakalapit ng damdamin ng mga ito.

Sa mga halaman at mga halamang-singaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Katulad ng mga hayop, ang pagtatalik sa ibang mga Eukaryota, katulad ng mga halaman at halamang-singaw, ay nagpapahiwatig ng seksuwal na pagwawatas o konhugasyong seksuwal (seksuwal na pagbabanghay). Subalit, sa mga halamang baskular, ito ay karamihang nakakamit nang walang pagdaramping pangkatawan sa pagitan ng nag-aasawahang mga indibiduwal (tingnan ang polinasyon), at sa ilang mga kaso, iyong sa mga halamang-singaw o fungi kung saan walang umiiral na pagkakaiba sa pagitan ng mga panlalaki at pambabaeng mga organong pampagtatalik (tingnan ang isogamya); subalit, ang mga tipo ng pagtatambalan sa ilang mga uri o espesye ng halamang-singaw ay tila kahuwad o kahawig ng dimorpismong seksuwal sa mga hayop, at umaalam kung ang dalawang mga bumukod o tumiwalag na mga indibidwal ay maaaring mag-asawahan o magtambalan.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]