Kapuluang Mamanuca
Kapuluang Mamanuca mula sa himpapawid | |
Mapa ng Viti Levu kasama ang Kapuluan ng Mamanuca na ipinangalan bilang Mamanutha Group on the left | |
| Heograpiya | |
|---|---|
| Lokasyon | Karagatang Pasipiko |
| Mga koordinado | 17°40′S 177°05′E / 17.667°S 177.083°E |
| Kabuuang pulo | 20 |
| Pangkalahatang pulo | Matamanoa |
| Pinakamataas na punto | Burol ng Uluisolo |
| Pamamahala | |
Ang Kapuluang Mamanuca (Pidyiyano: [mamaˈnuða]) ng bansang Pidyi ay isang kapuluang mala-bulkaniko na nasa kanluran ng Nadi at nasa timog ng Kapuluang Yasawa. Binubuo ang arkipelagong ito ng dalawampung isla, ngunit pito sa mga ito ay tinatakpan ng Karagatang Pasipiko tuwing high tide.
Mula noong 2016, naging lokasyon ng pagsasapelikula ang kapuluan para sa serye sa telebisyon na Survivor.[1] Ang Monuriki, isa sa mga isla, ay naging tanyag bilang ang hindi kilalang isla na itinampok sa pelikula ni Robert Zemeckis noong 2000 na Cast Away, na pinagbidahan ni Tom Hanks.[2]
Mga pulo
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang mga isla ay bahagi ng lalawigang Nadroga-Navosa, na bahagi mismo ng kanlurang bahagi ng Pidyi. Ang mga pulo sa tanikala ng Mamanuca, na hindi lahat ay pinaninirahan, ay kinabibilangan ng:
- Beachcomber
- Eori
- Kadavulailai (aka Bounty)
- Kadomo
- Malamala
- Malolo
- Malololailai
- Mana
- Manu
- Matamanoa
- Modriki
- Monu
- Monuriki
- Namotu
- Nautanivono (Yadua)
- Navadra
- Navini
- Qalito (Castaway)
- South Sea
- Tavarua
- Tavua
- Tivua
- Tokoriki
- Treasure
- Vomo
- Vomolailai
- Wadigi
- Yanuya
Mga gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Port Denarau ang daan patungo sa mga pulo ng Mamanuca at Yasawa. Maaaring sumakay sa mga day trip mula sa Denarau patungo sa mga Pulo ng Mamanuca o humanap ng resort na matutuluyan nang magdamag. Saklaw ng mga resort na matatagpuan sa Mamanucas ang lahat ng uri mula sa mga mamahaling tuluyan hanggang sa mga mas murang pagpipilian para sa mga backpacker at naglalakbay nang may katipidang badyet.
Kabilang sa mga gawain sa Mamanucas ang paglalayag, paglangoy, malayang pagsisid, pagkakayak, pag-abang sa mga korales gamit ang semi-submersible, pagsisid, paglangoy kasama ang mga pating sa bahura, windsurfing, pag-akyat sa bundok, pagbisita sa mga nayon, mini golf, at pagtuklas sa mga liblib na dalampasigan.
Survivor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginamit ng Amerikanong edisyon ng Survivor ang kapuluan bilang lokasyon para sa pagshooting, na nagsimula sa ika-33 na season nito (Survivor: Millennials vs. Gen X) noong Abril 2016.[3] Karaniwan na dalawang kabanata ng palabas ang sunod-sunod na kinukunan sa pagitan ng Marso at Hunyo sa isang partikular na taon, kung saan ipinapalabas ang unang kabanata sa taglagas ng taong iyon, at sa tagsibol ng sumusunod na taon ang ikalawa. Ito ang pinakamahabang magkasunod na panahon na nag-shoot ang Survivor sa isang lokasyon. (Dating kinunan ng palabas ang ikalabing-apat na kabanata nito, ang Survivor: Fiji, sa Lalawigan ng Macuata.)[4]
Bago ipalabas ang ika-35 kabanata (Survivor: Heroes vs. Healers vs. Hustlers), inihayag ng mangunguna na si Jeff Probst sa isang panayam sa Entertainment Weekly na ang Kapuluang Mamanuca ang pinakaangkop na lokasyon para sa palabas at nais niyang manatili rito nang permanente.[5]
Kinuhanan ang mga sumusunod na kabanata sa Kapuluang Mamanuca:
- Survivor: Millennials vs. Gen X
- Survivor: Game Changers
- Survivor: Heroes vs. Healers vs. Hustlers
- Survivor: Ghost Island
- Survivor: David vs. Goliath
- Survivor: Edge of Extinction
- Survivor: Island of the Idols
- Survivor: Winners at War
- Survivor 41
- Survivor 42
- Survivor 43
- Survivor 44
- Survivor 45
- Survivor 46
- Survivor 47
- Survivor 48
- Survivor 49
- Survivor 50: In the Hands of the Fans
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Dobson, Jim. "These 8 'Survivor' Winners Endured A Life-Changing Adventure In Fiji And Walked Away With $1 Million". Forbes (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-05-01.
- ↑ Fiji (sa wikang Ingles). Korina Miller, Robyn Jones, Leonardo Pinheiro. Lonely Planet. 2003. p. 54. ISBN 1-74059-134-8.
{{cite book}}: CS1 maint: others (link) - ↑ "On 'Survivor,' Millennials and Gen X Get the Showdown They Deserve". Bloomberg (sa wikang Ingles). 22 Setyembre 2016. Nakuha noong 17 Agosto 2026.
- ↑ Clark, Emily (21 Mayo 2022). "A season of Survivor was being filmed when Fiji's second wave hit. The navy came to help". ABC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 17 Agosto 2026.
- ↑ Ross, Dalton (12 September 2017). "Jeff Probst wants Survivor to stay in Fiji permanently". Entertainment Weekly. Nakuha noong 6 October 2018.