Pumunta sa nilalaman

Katimugang Karagatan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Karagatang Katimugan)
Ang Katimugang Karagatan

Ang Katimugang Karagatan, kilala din bilang Dakilang Katimugang Karagatan, ang Karagatang Antartiko at ang Timog Polar na Karagatan, ay binubuo ng pinakatimog na mga tubig ng Karagatan ng Mundo na nasa timog ng 60° T latitud. Itinalaga ng Internasyunal na Samahang Hidrograpiko (International Hydrographic Organization) ang Katimugang Karagatan bilang ang paghahati ng mga karagatan na pumapalibot sa Antartika. May mga heograpo ang hindi sumasang-ayon sa hilagang hangganan ng Katimugang Karagatan o hindi sumasang-ayon kung mayroon ngang Katimugang Karagatan, na kadalasang tinuturing ang mga tubig bilang bahagi ng Timog Pasipiko, Timog Atlantiko, at Karagatang Indiyano.

May mga ilang siyentipiko na tinutring ang Tagpong Antartiko, isang sona ng karagatan na pabagu-bago sa panahon, bilang ang naghihiwalay sa Katimugang Karagatan mula sa ibang mga karagatan, sa halip na 60° T.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pyne, Stephen J.; The Ice: A Journey to Antarctica. Palimbagan ng Pamantasan ng Washington, 1986. Tandaan: Sa kabila ng pamagat, hindi naglimbag si Pyne ng isang dyornal sa paglalakbay: sa halip, ipinakita niya ang isang pag-aaral sa paggagalugad, agham pandaigdig, tanawing yelo, estetika, panitikan, at heopolitika ng Antartika.


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.