Karen Horney
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Enero 2014) |
Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito. Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan. |
Si Karen Horney (binibigkas / hɔrnaɪ / sa Ingles), ipinanganak Danielsen (16 Setyembre 1885 - 4 Disyembre 1952), ay isang Aleman-Amerikanong psychoanalyst. Hinamon ng kanyang mga teorya ang ilang mga tradisyonal na ideya ni Sigmeund Freud, lalo na ang kanyang teorya ng sekswalidad, pati na rin ang instinktwal na orientasyon saykoanalisis at sikolohiyang genetic. Dahil dito, madalas siyang nauuri bilang isang Neo-Freudiang sikolohista.
Maagang Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Karen Horney ay ipinanganak bilang Karen Danielsen noong 16 Setyembre 1885 sa Blankenese, Alemanya, malapit sa Hamburg. Ang kanyang ama, Berndt Wackels Danielsen (1836-1910), ay kapitan ng isang barko, isang relihiyoso na may patriyarkal na pag-iisip (binansagang "Bible-thrower" ng kanyang mga anak). Ang kanyang ina, Clotilde née van Ronzelen (1853-1911), na kilala bilang "Sonni", ay ibang-iba at mas bukas-isip kaysa kay Berndt. Ang kuya ni Horney ay pinangalanan ring Bendt, at lubos na minahal ni Karen. Siya rin ay may apat na nakatatandang kalahating-kapatid mula sa nakaraang kasal ng kanyang ama.
Ayon sa mga diary ni Horney noong siya ay dalagita, ang kanyang ama ay "isang malupit at mapangdisiplang tao" na mas pinahahalagahan ang kanyang anak na si Berndt kaysa kay Karen. Sa halip na masaktan o makaramdam ng galit sa opinyon ni Karen, dinalhan niya ito ng mga regalo mula sa malalayong bansa. Sa kabila nito, palaging nadama ni Karen na siya ay pinagkaitan ng pagmamahal ng kanyang ama at sa halip ay napalapit sa kanyang ina.
Sa edad na siyam, nagbago si Karen ng pananaw sa buhay at naging mapaghangad at medyo suwail. Nadama niya na hindi siya magiging maganda at sa halip ay nagpasya na ituon and kanyang buhay sa kanyang intelektuwal na mga katangian-kahit na maraming nagsasabing maganda siya. Sa oras na ito, siya ay nagkaroon ng pagtingin sa kanyang kuya, na nailing sa kanyang ispesyal na atensiyon- at kalaunan siya’y tinulak palayo. Naranasan niya ang una sa kanyang mga sumpong ng depresyon-isang isyung patuloy siyang ginulo sa kanyang buhay.
Edukasyon at kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1904, iniwan ng ina ni Karen ang kanilang ama (kahit na hindi sila ay diborsiyado), at isama ang kanyang mga anak. Noong 1906, si Karen ay pumasok sa isang paaralan ng medisina na labag sa kagustuhan ng kanyang ina. Ang Universidad ng Freiburg ay, sa katunayan, isa sa mga unang institusyon sa buong Alemanya na tumanggap ng mga kababaihan sa kursong medikal-nagkaroon lang mataas na edukasyon para sa mga kababaihan noong 1900. Noong 1908, si Horney ay lumipat sa Universidad ng Gottingen, at lumipat pa muli sa Unibersidad ng Berlin bago siya magtapos noong 1913.
Sa panahong ito bilang isang mag-aaral ng medisina niya nakilala si Oskar Horney, na kanyang pinakasalan pagsapit ng 1909. Sa sumunod na taon, ipinanganak niya ang isang babaeng sanggol, Brigitte, na panganay sa kanyang tatlong anak. Sa panahong ito, nagbago ang mga iteres ni Karen at desididong ipagpatuloy ang pag-aaral sa noo’y nagsisimula pa lamang na kurosng psychoanalysis. Namatay ang ina ni Horney noong 1911, isang pangyayaring masyadong dinamdam ng batang Karen. Ang kanyang kasal kay Oskar ay sumang-ayon sa Freudian theory; siya ay mala-diktador at mahigpit sa kanyang mga anak tulad ng ama ni Karen. Sa mga taong ito, si Karen ay sang-ayon sa pagpapalaki sa kanyang mga anak sa ganitong paraan; noong kalaunan lamang, noong 1920s, na ang kanyang saloobin sa pagpapalaki ng mga bata ay nagbago.
Karera at Mga Inilathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noon 1920, kinuha ni Horney ang isang posisyon sa Institusyon para sa Saykoanalisis sa Berlin, kung saan siya nagturo ng saykoanalisis ng ilang taon. Nagturo rin siya sa The New School sa New York City. Kinilala ni Karl Abraham, isang manunulat kay Sigmund Freud, si Karen Horney bilang isang matalinong analyst at guro ng saykoanalisis.
Noong 1923, bumagsak ang kompanya ni Oskar Honey, na siya rin namang nagkaroon ng meningitis. Si Oskar ay mabilis na naging nakasusuklam, sumpungin at mahilig sa pakikipagtalo. Noon ring 1923 ay namatay ang kuya ni Karen dahil sa impeksiyon sa baga. Ang mga kaganapang ito ay nagpalala sa pag-iisip ni Karen. Naganap ang ikalawang estado ng depresyon; isang bakasyon, lumangoy siya sa karagatan ay nagbalak na magpakamatay. Noong 1926, umalis si Karen at ang kanyang tatlong anak sa bahay ni Oskar. Makatapos ang apat na taon, lumipad patungong Estados Unidos ang mag-iinam, at kahuliha’y nanirahan sa Brooklyn. Ang Brooklyn ay tahanan ng isang malaking intelektwal na komunidad, isa sa mga dahilan nito ang mataas na pagdagsa ng mga Hudyo mula sa Europa, lalo na sa Alemanya. Dito sa Brooklyn naging kaibigan ni Karen ang mga akademiko tulad nina Erich Fromm at Harry Stack Sullivan, na sa isang punto ay nagkaroon ng malalim na relasyon sa unang nabanggit na hindi rin nagtapos sa magandang nota.
Agad-agarang itinakda ni Horney ang pagtataguyod sa kanyang sarili. Ang kanyang unang karera sa Estados Unidos ay nilang Associate Dean ng Chicago Institure for Psychoanalysis. Dito sa Brooklyn binuo at pinatindi ni Horney ang kanyang mga teorya sa neurosis at pagkatao, batay sa kanyang mga karanasan nang siya ay nagtatrabaho sa larangan ng psychotherapy. Noong 1937, inilathala niya ang librong The Neurotic Personality of our Time, na naging sikat sa mga mambabasa. Pagsapit ng 1941, si Horney ay naging dekano ng American Institute of Psychoanalysis, isang institusyong nagsasanay sa mga interesadong sumali sa sariling organisasyon ni Horney, ang Association for the Advancement of Psychoanalysis. Itinatag ni Horney ang samahang ito matapos madismaya sa mahigpit at kinikilalang likas na katangian ng komunidad ng psychoanalysis.
Ang paglihis mula sa sikoloyang Freud ang nagtulak kay Horney na magbitiw kanyang posisyon, at kalauna’y nagtura sa New York Medical Collefe. Itinatag rin niya ang isang journal na pinangalananang American Journal of Psychoanalysis. Nagturo sya sa New York Medical College at nagpatuloy sa paging psychiatrist hanggang sa kanyang kamatayan noong 1952.
Neo-Freudianismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Binuo ni Horney, kasama ang kapwa niyang psychoanalyst na si Alfred Adler, ang Neo-Freudian na disiplina ng sikolohiya.
Habang kinikilala at sumang-ayon kay Freud sa maraming mga isyu, kritikal rin si Horney sa ilan sa kanyang mga susing paniniwala. Ang paniniwalang "penis envy" ni Freud, sa partikular, ay napailalim sa kritisismong genital ni Horney. Sa kanyang palagay, nasaksihan lamang ni Feud ang pagkainggit ng mga babae sa malawakang kapangyarihan ng lalaki sa mundo. Tinatanggap ni Horney na ang penis envy ay maaring madalas mangyari sa mga neurotic na kababaihan, ngunit sinabi rin niya na ang “womb envy” ay nangyayari rin sa mga kalalakihan: Sa tingi ni Horney, ang mga lalaki ay naiinggit sa kakayahan ng mga babae na magbuntis. Ang antas kung saan ang mga lalaki ay nahihimok na magtagumpay ay maaaring isang pampalubag-loob sa katotohanang hindi sila mag-aaring magdala, magpalaki at magsilang ng mga bata.
Si Horney ay nagulat sa tendency ng mga psychiatrist na lubos na bigyang diin ang sekswal na bahagi ng lalaki. Pinagsaliksikan rin ni Horney ang Freudian Oedipal complex ng mga elementong sekswal, at ipinahayag na ang magigigng malapit sa isang magulang at inggit sa isa ay isa lamang resulta ng anxiety, dulot ng bitak sa relasyon ng magulang at anak.
Sa Kabila ng mga pagbabagong ito sa laganap na Freudian view, sinikap n Horney na baguhin ang Freudian na pag-iisip, na nagpapakita ng isang panlahatan at pantaong pananaw sa indibidual na pag-iisip na nagbibigay-diin sa mga pagkakaibang cultural at panlipunan sa buong mundo.
Sikolohiya ng kababaihan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Horney ay isa rin sa mga nagpasimula ng disiplinang sikolohiya ng kababaihan. Bilang isa sa mga unang babaeng psychiatrists, siya ang una mula sa kanyang kasarian na maglathala ng isang pag-aaral ukol sa sikolohiya ng mga kababaihan. Ang labing-apat na tekstong kanyang isinulat mula 1922 hanggang 1937 ay pinagisa sa isang bolyum na pinamagatang Feminine Psychology. Bilang isang babae, nadama niya na ang pag-aaral at pagtukoy sa pagbabagp sa pag-uugali ng mga kababaihan ay isang napapabayaang isyu. Sa kanyang sanaysay na pinamagatang “The Problem of Feminine Masochism", nadama ni Horney na kanyang napatunayan na ang sandaigdigang kultura at lipunan ang siyang nag-impluwensiyo sa mga kababaihan na umasa para sa kanilang pagmamahal, katanyagan, kayaman, pagkalinga at proteksiyon. Binigyang diin niya na sa lipunan, ang kagustuhang mapaligaya, busugin at bigyan ng lubus-lubos na importansiya ang mga kalalakihan ay umiiral. Ang mga babae ay itinuturing na mga simbolo ng alindog at kagandahan – nagkakaiba ayon sa tunay na layunin na pagkilala sa sarili ng bawat tao.
Ang mga kababaihan, ayon kay Horney, ay, ayon sa tradisyon, nagkakaroon lamang ng halaga sa pamamagitan ng mga anak at mag malawak na pamilya. Pinalawak niya pa ang paksang ito sa kanyang sanaysay na The Distrust Between the Sexes kung saan pinaghambing niya ang relasyon ng mag-asawa sa relasyon ng magulang at anak – isang hindi pagkakaunawaan at isang nagdudulot ng mapaminsalang neuroses. Siya baliw karagdagang sa paksang ito sa kanyang sanaysay "Ang hindi magtiwala sa Pagitan ng Sexes" kung saan siya kumpara ang asawa-asawa na relasyon sa isang magulang-anak relasyon-isa ng hindi pagkakaunawaan at isa na breeds pumipinsala neuroses. Mapapansing ang kanyang tekstong The Problem of the Monogamous Ideal ay nakatuon sa pagpapakasal, katulad ng anim pang ibang kasulatan. Tinangka ng kanyang sanaysay na Maternal Conflicts na bigyang liwanag ang mga problem panagdaraanan ng mga kababaihan sa pagpapalaki ng mga nagdadalaga’t nagbibinata.
Naniniwala si Horney na pawing ang mga lalaki at ang mga babae ay naglalayong maging malikhain at produktuibo. Nagagawang punan ito ng mga babae sa normal at panloob na pamamaraan – sa pamamagitan ng pagbubutis at panganganal. Samantalang, sa panlabas na pamamaraan lamang ito nagagampanan ng mga lalaki ; iminungkahi ni Horney na ang kamangha-manghang pagtatagumpay ng mga kalalakihan sa trabaho o ilan pang ibang aspeto ay maaring tignan bilang kanilang paraan upang mapunan ang kanilang kawalan ng kakayahang magbuntis at makapagluwal ng bata.
Binuo ni Horney ang kanyang mga idea na umabot sa puntong inisapubliko niya ang isa sa mga unang ‘self-help’ na aklat noong 1946 na pinamagatang « Are you Considering Psychoanalysis ? ». Sa aklat, ipinaglaban ni Horney na ang mga, babae man o lalaki, may mababaw na nuerotic problems ay, bilang epekto, maaaring maging sarili nilang psychiatrist. Patuloy niyang binigyang diin na ang kamalayan ng sarili ay isang hakbang patungo sa isang mas mahusay, mas malakas, at mas makabuluhang tao
Ang Klinikang Karen Horney
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagbukas ang The Karen Horney Clinic noong ika-anim ng Mayo taong 1955 sa New York City bilang pagkilala sa mga tagumpay ni Horney. Layon ng institusyon na magsaliksik at magsanay ng mga propesyonal sa medisina, lalo na silang mga nasa aspeto ng psychiatry, habang tumatayo rin ito bilang isang murang treatment center.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]http://en.wikipedia.org/wiki/Karen_Horney Karen Horney; Wikipedia-The Free Encyclopedia