Pumunta sa nilalaman

Karin Bergöö Larsson

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Karin Bergöö Larsson, nakuhanan ng litrato noong mga 1882

Si Karin Larsson, née Bergöö, (3 Oktubre 1859 –18 Pebrero 1928) ay isang Suwekang manlilikha at taga-disenyo na nakipagtulungan sa kanyang asawang si Carl Larsson, at inilarawan nang madalas sa kanyang mga pinta.

Maagang buhay at edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Still Life with Fruit, 1877 pinta ni Karin Bergöö

Ipinanganak si Karin Bergöö sa Örebro at lumaki sa Hallsberg, kung saan naging matagumpay na negosyante ang kanyang ama na si Adolf Bergöö. Nagpakasal ang kanyang nakababatang kapatid na si Stina sa Ingles na heologo na si Francis Arthur Bather.[1] Nagpakita si Karin ng kahusayan sa sining, at pagkatapos ng pagpasok sa Franska Skolan École Française sa Estokolmo, nag-aral siya sa Slöjdskolan (Paaralang Panggamlang; Konstfack ngayon) at mula 1877 hanggang 1882 sa Maharlikang Suwekong Akademya ng Sining. Pagkatapos niyang kumpletuhin ang kanyang pag-aaral doon, pumunta siya sa Grez-sur-Loing sa labas ng Paris, kung saan mayroong kolonya ng mga manlilikhang Eskandinabyo upang magpatuloy sa pagpipinta.[2]

Buhay kasama ni Carl Larsson

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Idinala ni Karin ang kanyang sariling mga masining na salpok sa disenyo sa kanyang tahanan

Sa Grez-sur-Loing nakilala niya si Carl Larsson; naibigan sila sa isa't isa at noong 1883 ay bumalik sa Estokolmo at nagpakasal at bumalik nang magkasama sa Grez-sur-Loing, kung saan ipinanganak ang kanilang panganay na si Suzanne noong 1884. Nang sumunod na taon, bumalik sila sa Suwesya.

Noong 1888 pumunta ang pamilyang Larsson sa Paris na iminungkahi ni Pontus Fürstenberg ng Gotemburgo na nagnais ng isang malaking dibuho mula kay Carl upang idagdag sa kanyang koleksyon ng sining. Iniwan nila ang kanilang dalawang anak sa mga magulang ni Karin sa Hallsberg, at sa kanilang pag-uwi pagkalipas ng isang taon, pinalamutian ang bagong tahanan ng pamilyang Bergöö. Pagkatapos, lumipat sila sa Lilla Hyttnäs, isang stuga (kubo) sa Sundborn sa labas ng Falun kung saan ipinanganak ang kanyang ama. Pinalaki nila ito upang mapaunlakan ang kanilang lumalaking pamilya at nakilala ito bilang sakahang Larsson.

Tumba-tumba na idinisenyo ni Karin Larsson

Si Karin ay naging katapatang-loob at kritiko sa gawain ni Carl, bilang karagdagan sa pagiging kanyang pangunahing modelo. Na may bata at isang malaking bahay na pamahalaan, inilagay niya ang kanyang mga sariling masining na salpok sa disenyo. Nagdisenyo at naghabi siya ng mararaming tela na ginamit sa bahay, nagburda, at nagdisenyo ng damit para sa kanyang sarili at sa mga bata at muwebles na itinayo ng isang lokal na anluwagi.[3] Halimbawa, ang mga pinafore na isinuot niya at iba pang mga kababaihan na nagtrabaho sa Sundborn, na kilala bilang karinförkläde sa Suwesya, ay isang praktikal na disenyo mula sa kanya. Lumikha ang istilo ng palamuti at pagdidisenyo ni Karin ng bahay na inilarawan sa mga pinta ni Carl ng isang bago at kilala bilang istilong Suweko:[2][4][5] "Salungat sa laganap na istilo ng madidilim at mabibigat na muwebles, naipagsama sa kanyang maliwanag na interiyor ang makabagong timpla ng disenyo ng katutubong Suweko at mga impluwensya ng fin de siècle, kabilang ang mga ideya ng Japonismo at Sining at Mga Likhang-sining mula sa Bretanya."[6] Sa "silid-Suweko" kung saan pinalitan niya ang bihirang gamitin na silid-guhitan, tinanggal niya ang mga kurtina at inilagay ang mga muwebles sa paligid ng isang pinataas na plataporma na lumikha ng silid sa loob ng silid na ginamit nang kadalasan ng pamilya, tulad ng ipinakita sa mga pinta ni Carl na may sofa sa isang sulok para sa mga siyesta na ipinakita sa Lathörnet (Sulok Pantamad).[4] Bago rin sa panahong iyon ang kanyang mga disenyo ng tela at kulay: "Na may premodernong katangian, ipinakilala nila ang isang bagong istilong abstrakto sa tapiserya. Mukulay na makulay ang pagsasagawa ng kanyang mga mapagbakasakaling komposisyon; madalas na ginamit ng kanyang burda ang mga naka-istilong halaman. Sa linong itim at puti, isinalin niya ang mga motif ng Hapon." [7] Inilibing siya sa sementeryo ng Sundborn.[8]

Noong 1997, itinanghal ng Museong Victoria at Albert sa Londres ang kanyang disenyong interiyor sa exhibit ni Carl Larsson.[9]

Noong 2009, naitampok siya sa isang eksibisyon sa Sundborn.[10]

Noong 2018, ipinakita ng eksibisyon na Carl Larsson and His Home: Art of the Swedish Lifestyle ("Si Carl Larsson at Ang Kanyang Bahay: Sining ng Buhay-Suweko") sa Seiji Togo Memorial Sompo Japan Nipponkoa Museum of Art ang mga tela na gawa ni Karin, at mga pinta ng kanilang tahanan na ginawa ni Carl.[11]

Sa kulturang tanyag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Larsson ang naging inspirasyon para sa 2018 nobelang Sofie & Cecilia ni Kofie Ashenburg, isang kathang-isip na talambuhay niya.[12]

Mga Pinta ni Karin Larsson ng Kanyang Asawa, Carl Larsson
Sa kanyang kusina kasama ang kanyang mga bata, 1901
Kasama ang kanyang anak Suzanne sa Grez-sur-Loing, 1885
Noong Natulog Ang Mga Bata, 1901

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ulrik Jansson, "Tre nyanser av kvinnokamp runt förra sekelskiftet", Kumla blogs, Sydnärkenytt, Kanal Regional, 16 February 2015 (sa Suweko)
  2. 2.0 2.1 "Karin Larsson – A Trendsetting Designer Long Before her Time" Error in webarchive template: Check |url= value. Empty., Carl Larsson Gården, Sundborn.
  3. Paul Greenhalgh, Quotations and Sources on Design and the Decorative Arts, Manchester: Manchester University, 1993,
  4. 4.0 4.1 Marge Thorell, "Karin Bergöö Larsson: Mother, muse and artist", The Local, 9 December 2008.
  5. "Larsson, Carl (1853–1919)", Ian Chilvers and John Glaves-Smith, A Dictionary of Modern and Contemporary Art, 2nd ed. Oxford: Oxford University, 2009, ISBN 9780199239665.
  6. Tina Manoli and Nicola Costaras, "Preparations for 'Carl and Karin Larsson: Creators of the Swedish Style'", Conservation Journal, Victoria and Albert Museum, 25, October 1997.
  7. Victoria and Albert Museum exhibition catalogue, quoted at Carl Larsson Gården.
  8. "skbl.se - Karin Larsson". skbl.se. Nakuha noong 2019-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Karin Larsson". www.carllarsson.se (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Spektra (2008-12-30). "Karin Larsson hyllas med utställning". Svenska Dagbladet (sa wikang Suweko). ISSN 1101-2412. Nakuha noong 2019-06-11.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Tanaka, Yukari (2018-09-18). "'Carl Larsson and His Home: Art of the Swedish Lifestyle'". The Japan Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "How a trip to Sweden inspired long-time nonfiction author Katherine Ashenburg to write her first novel (CBC books)".

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Axel Frieberg. Karin. En bok om Carl Larssons hustru. Stockholm: Bonnier, 1967.  OCLC 11865494
  • Ingrid Andersson. Karin Larsson: Konstnär och konstnärshustru. Stockholm: Gidlunds, 1986. ISBN 9789178440696
  • Michael Snodin and Elisabet Stavenow-Hidemark. Carl and Karin Larsson: Creators of the Swedish Style. Exhibition catalogue. London: V & A, 1997. ISBN 9781851772018

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]