Karl Heinrich Ulrichs
para sa (hindi kaugnay) peryodikong sanggunian, tingnan ang Ulrich's Periodicals Directory
Si Karl-Heinrich Ulrichs (ipinanganak noong 28 Agosto 1825 sa Aurich at namatay sa L'Aquila noong 14 Hulyo 1895), ay kinikilala ngayon bilang tagapanguna ng LGBT rights movement.
Pagkabata
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Ulrichs ay ipinanganak sa Aurich, na dating bahagi ng Kaharian ng Hanover, sa hilagang-kanluran ng Alemanya. Noong bata pa si Ulrichs ay nagsusuot siya ng damit pambabae, nakikihalubilo sa mga batang babae, at nais niyang maging babae.[1] Ang unang karanasan niya bilang bakla ay nangyari noong 1839 sa edad na labing-apat, nang may naganap sa pagitan niya at ng kanyang tagapagturo. Siya ay nagtapos ng batas at teyolohiya sa Unibersidad ng Göttingen noong 1846. Mula 1846 hanggang 1848, nag-aral siya ng kasaysayan sa Unibersidad ng Berlin, at nagsulat ng isang disertasyon tungkol sa Kapayapaan ng Westphalia sa wikang Latin.
Mula 1849 hanggang 1857, nagtrabaho siya bilang isang opisyal na legal na tagapayo para sa hukuman ng distrito ng Hildesheim sa Kaharian ng Hanover. Natanggal siya sa trabaho noong malaman ng lahat ang kanyang homosekswalidad.
Tagasulong ng repormang pansekswal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1862, ginawa ni Ulrichs ang napakahalagang hakbang ng paglalantad sa kanyang pamilya at mga kaibigan na siya ay, sa kanyang sariling mga salita, isang Urning (bakla), at nagsimulang magsulat sa ilalim ng sagisag na "Numa Numantius". Ang kanyang unang limang sanaysay, na pinamagatang Forschungen über Das Rätsel der mannmännlichen Liebe (Mga Pag-aaral sa Palaisipan ng Pag-ibig na Lalake sa Lalake), ay inilalarawan ang pag-ibig na likas at bayolohikal, na bumubuod sa pariralang Latin na anima muliebris virili corpore inclusa (ang diwa ng babae sa katawan ng lalake). Sa mga sanaysay na ito, nilikha ni Ulrichs ang mga iba't ibang mga termino upang ilarawan ang mga iba't ibang mga sekswal na pag-aangkop / kasariang pagkakakilanlan, kagaya ng "Urning" para sa isang lalake na may gusto sa mga kalalakihan (Ingles: "Uranian"), at "Dioning" para sa isang lalake na may gusto sa mga kababaihan. Ang mga salitang ito ay sumasangguni sa isang seksiyon ng Panayam ni Plato na kung saan ang dalawang uri ng pag-ibig ay tinalakay, na sinisimbolo ng isang Aphrodite na ipinanganak mula sa isang lalaki (Uranos), at ng isang Aphrodite na ipinanganak mula sa isang babae (Dione). Nilikha rin ni Ulrichs ang mga salita para sa mga female counterparts, at para sa mga bisexuals at intersexuals.
Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglathala sa ilalim ng kanyang totoong pangalan (marahil ang kanyang unang paglaladlad) at sinulat niya ang isang pahayag tungkol sa legal at moral na tulong para sa isang lalake na naaresto dahil sa mga homosekswal na paglabag. Noong 29 Agosto 1867, siya ang naging kauna-unahang bading na nagsalita sa publiko upang ipagtanggol ang homosekswalidad noong nakiusap siya sa Congress of German Jurists (Konggreso ng mga Dalubhasang Batas ng Aleman) sa Munich para sa isang resolusyon na humihimok sa pagpapawalang-bisa ng batas na anti-homosexual. Subalit nabigo siya. Makalipas ang dalawang taon, noong 1869, nilikha ng Austrian na manunulat na si Karl-Maria Kertbeny ang salitang "homosexual", at mula noong 1870s, ang paksang sekswal na oryentasyon (na binabaybay natin ngayon) ay nagsimulang tinalakay.
Noong 1860s, nilibot ni Ulrichs ang Alemanya, palagi siyang nagsusulat at naglilimbag, at nakakalaban ng batas - bagaman laging dahil sa kanyang mga salita, hindi dahil sa seksuwal na paglabag. Noong 1864, kinumpiska at pinagbawalan ang kanyang mga libro ng mga pulis sa Saksonya. Nangyari ulit ito sa Berlin, at ang mga gawa niya ay ipinagbawal sa buong Prussia. Ang ilan sa mga papeles niya ay natagpuan lamang kamakailan sa archive ng estado ng Prussia at inilathala noong 2004. Napetsahang impormasyon Mayroon na ang ilan sa mga gawa ni Ulrichs ang nailimbag ulit, parehong sa Aleman at naisaling wika.
Si Ulrichs ay isang makabayang Hanoverian, at noong naidugtong ang Prussia sa Hanover noong 1866 daglian siyang nabilanggo dahil sa pagtutol niya sa patakaran ng Prussia. Nang sumunod na taon, iniwan na niya ang Hanover at lumipat sa Munich, kung saan nagtalumpati siya sa Asssociation of German Jurists para sa pagkakareporma sa batas ng Aleman laban sa homosekswalidad. Pagkatapos ay nanirahan siya sa Würzburg at Stuttgart.
Noong 1879, nilimbag ni Ulrichs ang ikalabindalawa at huling libro niya sa Pag-aaral sa Palaisipan ng Lalake sa Lalake. Nang lumubha ang kanyang kalusugan, at sa pagpapalagay niyang nagawa na niya ang kanyang makakaya sa Aleman, kusa niyang ipinatapon ang kanyang sarili sa Italya. Nilakbay niya nang ilang taon ang bansang iyon bago siya nanirahan sa L'Aquila, kung saan bumuti ang kanyang kalusugan.
Ipinagpatuloy niya ang kanyang malikhaing pasusulat at paglilimbag ng kanyang mga gawa (sa Aleman at Latin) sa kanyang sariling gastos. Noong 1895, siya ay nakatanggap ng isang pandangal na diploma mula sa Unibersidad ng Naples. Pagkatapos ng ilang araw ay namatay siya sa L'Aquila. Ang kanyang puntod ay minarkahan (sa Latin), "desterado at pulubi." Ang "Pulubi" ay maaaring may pagkaromantikong pagkakahulugan. Tumira si Ulrichs sa L'Aquila bilang panauhin ng isang lokal na asindero na si Niccolò Persichetti, na nagbigay ng papuri sa kanyang libing. Sa katapusan ng kanyang parangal, sinabi niya:
Bagama't sa iyong pagpanaw, oh Karl Heinrich Ulrichs, ang katanyagan ng iyong mga gawain at ang iyong kabutihan ay hinding-hindi mawawala ... bagkus, hangga't ang katalinuhan, kabutihan, karunungan, kabatiran, panulaan at agham ay nalilinang sa mundong ito at nalalagpasan ang kahinaan ng aming mga katawan, hangga't ang marangal na katanyagan ng likas na kakayahan at kaalaman ay gagantimpalaan, kami at ang mga dumating kasama namin ay luluha at magsasabog ng mga bulaklak sa iyong magalang na libingan. |
Sa huling kabanata ng kanyang buhay, kanyang isinulat: "Hanggang sa araw ng pagkamatay ko, babaling ako nang marangal na natagpuan ko ang tapang na humarap sa digmaan laban sa mga multo na sa panahong napakatanda ay nagturok ng lason sa akin at sa mga taong kawangis ng aking katauhan. Maraming nahimok na magpakamatay dahil ang lahat ng kanilang kaligayahan sa buhay ay nalalinan. Katunayan, ipinagmamalaki ko na natagpuan ko ang tapang sa pakikitungo sa unang pagputok sa haydra ng pag-aalipusta ng madla. "
Nakalimutan nang maraming mga taon, si Ulrichs ngayon ay naging isang dibuho ng pagsamba sa Europa. May mga kalye na pinangalanan para sa kanya sa Munich, Bremen at Hanover. Ang kanyang kaarawan ay ipinagdidiwang taun-taon sa isang masiglang salu-salo sa kalye at sa pagbabasa ng tula sa Karl-Heinrich-Ulrichs-Platz sa Munich. Pinanumbalik sa dating anyo ng lungsod ng L'Aquila ang kanyang libingan at naghahanda ito ng taunang pamamakay sa sementeryo. Kamakailan, nabatid ng mga tagapagtaguyod ng mga karapatang pang-bakla ang kanilang mga utang-na-loob kay Ulrichs. Puspusang tinukoy ni Magnus Hirschfeld si Ulrichs sa kanyang The Homosexuality of Men and Women (Ang Homosekswalidad ng mga Lalake at Babae) (1914).
Itinatanghal ng International Lesbian and Gay Law Association ang Karl Heinrich Ulrichs Award sa ala-ala ni Ulrichs.
Araxes
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nailimbag noong 1870, ang "Araxes: a Call to Free the Nature of the Urning from Penal Law (Araxes: ang Pagtawag sa Kalayaan ng Katauhan ng Urning mula sa Batas Penal)," na kapansin-pansin dahil sa pagkakapareho nito sa panayam ng modernong kilusan ng mga karapatang pang-bakla at pang-lesbyan:
Ang Urning, ay isang tao rin. Samakatuwid, Siya rin ay hindi mapagkakaitan ng karapatan. Ang kanyang sekswal na oryentasyon ay isang karapatan na itinatag ng kalikasan. Ang mga mambabatas ay walang karapatan sa pagbeto ng kalikasan; walang karapatan sa pag-usig ng kalikasan sa kurso ng kanyang gawain, walang karapatan sa pagpapahirap ng mga buhay ng mga nilalang na saklaw sa mga landas na ibinigay sa kanila ng kalikasan.
Ang Urning din ay isang mamamayan. Siya rin ay may karapatan bilang mamamayan, at ayon sa mga karapatang ito, ang estado ay may ilang mga tungkuling dapat ipatupad. Ang estado ay walang karapatan upang kumilos para sa katuwaan lamang o para sa napakanipis na pagnanais ng pag-uusig. Ang estado ay hindi awtorisado, tulad nang sa nakaraan, sa pagtrato ng mga Urning sa labas ng putla ng kautusan. Upang maging sigurado, ang mga mambabatas ay may karapatan upang gumawa ng mga batas na naglalaman ng mga tiyak na mga ekspresyon ng landas ng Urning, tulad ng kakayahan nila upang magbigay-batas sa pag-uugali ng lahat ng mga mamamayan. Alinsunod dito, maaari nilang ipagbawal ang mga Urnings mula sa: (a)panunulsol ng mga lalaking menor-de-edad; (b)paglabag ng mga karapatang pantao (sa pamamagitan ng puwersa, pananakot, pang-aabuso ng mga taong walang malay, atbp.); at, (c)pampublikong kalaswaan. Ang pagbabawal sa ekspresyon ng sex drive, i.e. sa pagitan ng pribadong pagpayag na mga matatanda, ay namamalagi sa labas ng legal na saklaw. Lahat ng mga batayan para sa legal na pag-uusig ay kulang sa kasong ito. Ang mga mambabatas ay hinahadlangan mula sa paggawa nito sa pamamagitan ng mga karapatang pantao at ang mga prinsipyo ng konstitusyonal na estado. Ang mga mambabatas ay hinahadlangan sa pamamagitan ng mga batas ng hustisya, na pagbawalan ang paglalapat ng isang dobleng huwaran. Hangga't nirerespeto ng Urning ang mga alituntuning (a), (b), at (c) sa itaas, hindi siya maaaring pagbawalan ng mga mambabatas mula sa mga sumusunod na makatarungang batas ng kalikasan na kung saan siya ay saklaw dito. Bagama't kapus-palad ang mga Urning na isang maliit na minorya lamang, walang pinsala ang maaaring gawin sa kanilang mga hindi maikakait na karapatan at sa kanilang mga karapatan bilang mamamayan. Dapat ding isaalang-alang ng kautusan ng kalayaan sa konstitusyonal na estado ang kanyang mga minorya. At kahit na anong nagawa ng mga mambabatas sa nakalipas, ang kautusan ng kalayaan ay nakakaalam ng walang limitasyon. Ang mga mambabatas ay dapat mawalan na ng pag-asa na bunutin ang Uranian sexual drive sa anumang oras. Kahit na ang napakainit na silab na kung saan sinusunog ang mga Urning sa naunang siglo ay hindi maaaring makamit ito. Kahit na busalan at itali ang mga ito ay walang kasaysayan. Ang digmaan laban sa kalikasan ay walang pag-asa. Kahit na ang pinakamalakas na pamahalaan, sa lahat ng mga paraan ng pagpipigil na maaari nitong dalhin sa pagtitiis, ay masyadong mahina laban sa kalikasan. Sa kabilang banda, ang pamahalaan ay may kakayahan upang kontrolin ang labanan. Ang pangangatwiran at kamalayan ng sariling kahulugan ng moralidad ng Urning ay nag-aalok sa pamahalaan ng buong pusong pakikipagtulungan patungo sa layunin nito. |
Iba pang tanyag na gawain
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinulat ni Ulrichs ang unang kuwentong baklang-bampirakailangan ng sitasyon, na pinamagatang "Manor" sa kanyang aklat na Matrosengeschichten (Kuwentong Marino).[2][3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ LeVay, Simon, 1996. Queer Science: The Use and Abuse of Research into Homosexuality, MIT Press
- ↑ Ulrichs, Karl Heinrich. "Manor." Sailors' Tales (Matrosengeschichten). Ed. Ulrichs, Karl Heinrich, 1884.
- ↑ Ulrichs, Karl Heinrich. "Manor." Embracing the Dark. Ed. Garber, Eric. Boston, Mass.: Alyson Publications, 1991.
Silipin din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- K. H. Ulrichs, Forschungen uber das Ratsel der mannmannlichen Liebe (1898; repr. 1975)
- Documents of the Homosexual Rights Movement in Germany 1836–1927 (1975)
- H. Kennedy, Ulrichs The Life and Works of Karl Heinrich Ulrichs, Pioneer of the Modern Gay Movement (1988)
Kawing na panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang kategorya ang artikulong ito.
Makakatulong sa pagpapaunlad ng artikulong ito sa paglalagay ng isa o higit pang kategorya upang maisama ito sa mga kaugnay na artikulo (paano?). Alisin po lang ang tag pagkaraan ng pagsasauri, hindi bago nito.(Pebrero 2014) |