Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 18
Itsura
(Idinirekta mula sa Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 18)
- Alitang armado at mga pag-atake
- Malapit ng umabot sa 15,000 mga bata ang nasawi dulot ng kaguluhan sa Syria.(Turkish Press)
- Maraming sibilyan na naninirahan sa base ng UN sa Timog Sudan sa bayan ng Bor ang nasawi dahil sa pag-atake ng mga armadong lalaki. (BBC)
- Sinabi ng mga seperatistang maka-Rusya sa Donetsk na hindi nila lilisanin ang mga gusali ng pamahalaan at patuloy na nilalabag ang mga awtoridad ng Kiev at nagbanta ng panibagong panukalang pang-internasyonal sa Ukraine.(BBC)
- Isang opisyal ng pulis ang nasawi at ilan ang nasugatan matapos sumabog ang isang bomba sa mataong liwasan sa Cairo sa distrito ng Mohandessin.(The Guardian)
- Sakuna at aksidente
- Umakyat na sa 28 ang bilang ng nasawi sa aksidente ng pagtaob ng barko sa Timog Korea. (Yonhap)
- Nagpalabas ng utos ng pagpapadakip ang piskal ng Timog Korea para sa kapitan ng tumaob na barko na si Joon-seok, at hinihiling na arestuhin din ang dalawang tripulante kaugnay ng aksidente.(CNN)
- Labindalawang katao ang nasawi dahil sa pagguho ng niyebe sa Bundok Everest.(The Guardian)
- Batas at krimen
- Pitong katao ang nasawi sa naganap na labanan sa pagitan ng mga ilegal na dayuhang Intsik at puwersa ng seguridad ng Vietnam sa hangganan ng probinsiya ng Quang Ninh. (Wall Street Journal)
- Ilang oras lang ang makalipas, naharang ng mga miyembro ng puwersa ng seguridad ng Vietnam ang 21 ilegal na dayuhang Intsik na tinangkang tumawid mula Tsina patungo sa Móng Cái sa probinsiya ng Quang Ninh. (The Wall Street Journal)