Katangang pangpagbubuhat ng mga pabigat
Ang katangang pangpagbubuhat ng mga pabigat, tinatawag ding bangkong pangpagbubuhat ng mga pabigat, bangkitong pangpagbubuhat ng mga pabigat, kabalyeteng pangpagbubuhat ng mga pabigat, o mahabang upuang pangpagbubuhat ng mga pabigat ay isang piraso ng kasangkapan na may pagkakahawig sa isang normal na katangan o mahabang upuan, subalit dinisenyo upang gamitin para sa ehersisyo ng pagbubuhat ng mga pabigat.
Ang ganitong mga bangko ay maaaring may sari-saring mga disenyo: nakapirming pahiga, nakapirming nakahilig, nakapirming nakatiklop, may isang bahaging nababago ang posisyon, may dalawa o mahigit pang mga bahaging nababago ang posisyon, may salansanan upang mapaglagyan ng mga baras o tubong pang-ehersisyo, at iba pa. Sa loob ng hangganan, ang kahulugan ng isang katangan o bangko ay lumalabo papunta sa mga pagsasama-sama na naghahalo ng isang bangko at kaugnay na kagamitan.
Ang mga bangkong pang-ehersisyo na ito ay ginagawa ng maraming iba't ibang mga tagapagbenta, na may kahanayan ng kalidad, mga katampukan, at mga halaga.
Mga pamalit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman ang bangko para sa mga pabigat ay tila nagbibigay ng kahulugan sa pagbubuhat ng mga pabigat para sa makabagong madla, ang mga katangan ay hindi lamang mahigpit na kailangan para sa maraming, kung hindi para sa karamihan, ng mga ehersisyo na karaniwang pinaggagamitan ng mga ito. Halimbawa, ang mga ehersisyong kinasasangkutan ng pagdiin sa masel habang nakaupo (seated press) ay maaaring gawain habang nakatayo. Sa kamakailang mga taon, maraming mga tagapagtangkilik ng kaangkupang pangkatawan na nag-eeherisyo sa tahanan ay nagsimulang magsali ng isang bolang Suwiso sa kanilang mga rutinang pangpagsasanay ng katawan (workout) sa halip na gumamit ng isang tradisyunal na katangan, dahil sa mas matalab sa paggamit ng espasyo ang bolang Suwiso at nangangailangan ng paghamok sa pangkaibuturang mga masel ng tiyan o puson. Ang ganitong pagpapalit ay hindi walang pagkutya, dahil maaaring maging mahirap na panatilihin ang anyo at panimbang kapag nagbubuhat ng mahigit kaysa sa sariling timbang ng katawan ng isang tao.
Bago maimbento ang bangkong pangpagbubuhat ng mga pabigat, ang karaniwang paraan upang paunlarin ang sukat ng dibdib ay ang paghiga sa sahig at gagawin ang nakilala bilang pagdiin sa sahig o pagdiing nakahiga (floor press o supine press).[kailangan ng sanggunian]