Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Albano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Patsada sa kanluran

Ang Katedral ng Albano (Italyano: Duomo di Albano, Cattedrale di San Pancrazio) ay isang Katoliko Romanong simbahan sa lungsod ng Albano Laziale, sa Lalawigan ng Roma at rehiyon ng Lazio, Italya. Ito ang luklukan ng Suburbikaryanong Diyosesis ng Albano.[1]

Ang kasalukuyang gusali ng katedral ay pinasinayaan noong 1721, ngunit nakatayo sa lugar ng isang mas lumang basilika, na alay kay San Juan Bautista, itinatag ni Constantino ang Dakila. Si Papa Leon III (d. 816) ay nagtayo ng isang bagong katedral sa lugar at binago ang pagkakaalay nito kay San Pancracio, tulad ng sa ngayon.

Pagsasalarawan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang patsada ay itinayo noong 1722 sa isang disenyo ng arkitektong si Carlo Buratti,[2] tagadisenyo, bukod sa iba pang mga bagay, ng mga akwedukto ng Bracciano at Benevento, ng katedral ng San Paolo sa Aversa,[3] at ng simbahan ng Santa Maria del Suffragio sa L'Aquila, ang huli ay naging isa sa mga simbolo ng lungsod pagkatapos ng lindol sa L'Aquila noong 2009.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Catholic Hierarchy: Albano
  2. "Comune di Albano Laziale - Tour della città - Cattedrale". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-26. Nakuha noong 2023-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Cattedrale di San Paolo ad Aversa". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-03-04. Nakuha noong 2023-05-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]