Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Amelia

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tanaw sa Amelia, pinapakita ang katedral at ang campanile nito sa tuktok ng burol
Loob

Ang Katedral ng Amelia Cathedral (Italyano: Duomo di Amelia, Cattedrale di Santa Firmina) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Amelia sa lalawigan ng Terni, Umbria, Italya. Dating itong luklukan ng Obispo ng Amelia, na mula pa noong ika-5 siglo, ngunit mula pa noong 1983 ay naging isang konkatedral sa Diyoesis ng Terni-Narni-Amelia.

Ang Katedral ng Amelia, na inialay kay Santa Firmina, ay orihinal na itinayo noong 872. Ang gusaling iyon ay sinira ng mga hukbo ni Emperador Federico II noong ika-13 siglo, at itinayo muli sa estilong Gotiko. Ang gusaling iyon ay nawasak din, buhat ng sunog noong 1629, at muling itinayo sa anyong Baroko. Ang kasalukuyang harapan ng kulay-rosas na cotto ay natapos lamang noong ika-19 na siglo, pagkatapos ng isang mapanirang lindol noong 1822.

Ang katedral ay may planong Latin na krus at isang nabe. Ang mga labi nina Santa Firmina at Olimpiade, ang mga patron ng lungsod, ay napanatili dito. Sa isang kapilya sa gilid ay may dalawang Turkong watawat na nakuha sa Labanan ng Lepanto noong 1571.

[baguhin | baguhin ang wikitext]