Katedral ng Anagni
Ang Katedral ng Anagni (Italyano: Cattedrale di Santa Maria Annunziata; Cattedrale di Anagni) ay isang Katoliko Romanong katedral sa Anagni, Lazio, Italya, kilalang bilang tirahan ng mga Papa tuwing tag-init (bago ang Castel Gandolfo) Ito ay alay sa Pagpapahayag sa Mahal na Birheng Maria.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang katedral ay ang episkopal na luklukan ng Diyosesis ng Anagni-Alatri.
Ang simbahan ay itinayo sa estilong Romaniko noong 1072-1104 na tinangkilik ng Bisantinong emperador na si Michele VII Ducas. Ang looban ay nasa istilong Gotiko-Lombardo pagkatapos ng pagpapaayos noong 1250.
Ang panloob na pabimento (1231) ay nakalagay sa kosmateskong mosaiko. Ang panloob na luneto sa ibabaw ng pangunahing portal ay naglalarawan sa Madonna at Bata sa pagitan ng mga Santo Magno at Secondina (huli ng ika-13 siglo). Ang kopon sa pangunahing altar ay natapos ni Vassalletto noong 1267. Ang mga fresco ng mga apostol sa mga dingding ng abside ay ipininta noong ika-17 siglo ni Borgogna. Habang ang mga fresco sa kalahating-simboryong abside ay nakumpleto noong ika-19 na siglo nina Giovanni at Pietro Gagliardi.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya ang Anagni Cathedral sa Wikimedia Commons