Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Assisi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Katedral ng Assisi.

Ang Katedral ng Assisi (Italyano: Cattedrale di Assisi o Cattedrale di San Rufino di Assisi), na alay kay San Rufino (Rufino ng Assisi) ay isang pangunahing simbahan sa Assisi, Italya. Ang marangal na simbahan na ito sa estilong Romanikong Umbriano ang pangatlong simbahan na itinayo sa mismong pook na naglalaman ng labi ng obispo na si Rufinus ng Assisi, na namartir noong ika-3 siglo. Ang konstruksiyon ay nagsimula noong 1140 sa mga disenyo ni Giovanni da Gubbio, na pinatunayan ng inskripsiyon sa dingding na nakikita sa loob ng abside. Maaaring siya ang parehong Giovanni na nagdisenyo ng rosas-bintana sa harapan ng Santa Maria Maggiore noong 1163.

[baguhin | baguhin ang wikitext]