Katedral ng Fidenza
Ang Katedral ng Fidenza (Italyano: Duomo di Fidenza; Cattedrale di San Donnino) ay isang Katoliko Romanong katedral alay kay SaSanint Domnino ng Fidenza (San Donnino) sa bayan ng Fidenza, lalawigan ng Parma, rehiyon ng Emilia Romagna, Italya.
Ito ang luklukang episkopal ng Diyosesis ng Fidenza, na kilala hanggang 1927 bilang Diocese ng Borgo San Donnino.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pagtatayo ng katedral ay nagsimula noong ika-12 siglo. Ito ay inialay kay Saint Domnino ng Fidenza, na naging martir sa utos ng Emperador Maximiano noong 304 AD. Ang mga labi ng santo ay dinala dito noong 1207, at pinaniniwalaang nakalagay sa isang urn sa cripta. Ang dating pangalan ng bayan, Borgo San Donnino, ay ibinigay bilang parangal sa santo.[1]
Ang gusali ay nakaligtas sa sako at pagkawasak ng bayan ng Fidenza noong 1268. Ang abside at patsada ay natapos makalipas ang ilang dekada. Ang katedral ay isang halimbawa ng estilong Lombardo-Romaniko. Ang itaas na bahagi ng patsada ay hindi kumpleto, ngunit ang ibaba, kasama ang tatlong portada at eskultura nito, ay isang magandang halimbawa ng arkitekturang Romaniko, kabilang ang dalawang estatwa ni Benedetto Antelami[2] at mga bas-relief na naglalarawan sa Buhay ni San Domnino. Ang looban ay simple at maayos ang proporsyon, at hindi nasira ng pagpapanumbalik. Ang estatwa sa harap ng katedral ni apostol Simon Pedro ay sikat sa pagturo nito sa direksiyon ng Roma. Sa katunayan, ang Fidenza ay isang hakbang sa kahabaan ng Via Francigena. Ang mga kapilya sa gilid ay patuloy na idinagdag noong ika-16 na siglo.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chisholm, Hugh, pat. (1911). . Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 4 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 250.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Diocese of Fidenza.