Katedral ng Isernia
Itsura
Ang Katedral ng Isernia (Italyano: Duomo di Isernia, Cattedrale di San Pietro Apostolo) ay isang Katoliko Romanong simbahan sa lungsod ng Isernia, Italya, ang luklukan ng Obispo ng Isernia-Venafro. Ito ay alay kay Apostol Pedro. Ang katedral ay matatagpuan sa Piazza Andrea sa matandang bayan ng Isernia, at nakatayo sa lugar ng isang Italikong pagan templo mula ika-3 siglo BK. Ang pagtatayo ng kasalukuyang gusali ay nagsimula noong 1349. Ang kasalukuyan nitong hitsura ay bunga ng maraming pagsasaayos, na nasira ng maraming lindol at ilang beses isinaayos.
Bibliograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Bandinelli, Ranuccio Bianchi, at Torelli, Mario, 1976: L'arte dell'antichità classica, Etruria-Roma . Torino: Utet
- Catalano, Dora, 2001: Itinerari: La città antica, sa: D. Catalano, N. Paone, C. Terzani, Isernia, pp. 97–115. Isernia: Cosmo Iannone Editore
- Damiani, Pasquale, 2003: Palazzi e Chiese della Città di Isernia, pp. 125–131. Venafro: Edizioni Vitmar