Pumunta sa nilalaman

Katedral ng Malolos

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Basilika-Minor ng Inmaculada Concepcion
(Katedral ng Malolos)
Katedral ng Malolos noong Marso 2017.
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonBasilika-Minore
PamumunoObispo
Taong pinabanal1630
KatayuanAktibo
Lokasyon
LokasyonLungsod ng Malolos, Bulacan,  Pilipinas
Arkitektura
UriSimbahan
IstiloNeo-Classic
Groundbreaking1580
Nakumpleto1673,1752,1817


Ang Katedral ng Malolos, na tinatawag ding Basilika Menor ng Ina ng Malinis na Paglilihi (Kastila: Basilica Minore dela Nuestra Señora de Inmaculada Concepcion; Ingles: Minor Basilica of Our Lady of Immaculate Conception), ay ang sentrong simbahan at luklukan ng Obispo ng Diyosesis ng Malolos sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Unang naitayo ng mga Misyonerong Agustino sa pamumuno ni Fray Diego Ordoñez de Vivar na tubong Guadalajara sa Nueva Galicia (Mexico) at ipinailalim bilang isa sa mga "visitas" ng Kumbento ng Calumpit sa pagitan ng mga taong 1572- 1578.

Tinatayang noong 1572-1575 ang unang ermita or visita na yari sa kawayan at pawid ay naitayo sa pampang ng ilog ng Canalate,dahil sa palagiang inaabot ng baha dahil sa pagtaas ng ilog muling inilipat ang lokasyon ng visita sa lugar na tinatawag na Caingin at San Agustin noong 1575-1578.Dito nanatili ang ermita ng visita.Dahil may kababaan ang ikalawang lokasyon at palagiang binahaba dahil sa ilog ng Liang muling inilipat noong 1580 sa lugar na dating tinatawag na Kalumpang na syang pinakamataas na bahagi ng kabayanan na kalaunan ay tatawaging Poblacion noong 1673.

Simbahan at Kumbento

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa pulong definitorio ng Orden ni San Agustin na ginanap sa Kumbento ng Tondo,itinaas at itinatag bilang Parokya at Kumbento ng Bayan ng Malolos noong Hunyo 11, 1580 at naitalaga si Fray Matheo de Mendoza bilang kauna-unahang Kura Paroko. Sa pasimula bilang kumbento parokyal ang Simbahan ng Malolos ay may tatlong visita: Matimbo,Paombong at Mambog. (Saligan: Capitulo XXXVI,Conquistas de Las Islas,Fray Gaspar San Agustin,Madrid) Samantala noong 1581 naidagdag bilang visita ng Malolos ang Quingua.Ngunit ayon sa tala ni Padre Pedro Galende ng Museo ng San Agustin sa Intramuros,ang Quingua ay naipailalim sa Kumbento ng Malolos noong Mayo 1599.Isa pang datos ang nagsasabi na noon namang Hunyo 1591 sa ulat ni Gobernador Heneral Luis Perez de Dasmariñas sa Hari ng Espanya,ang Quingua (dating tinatawag na Binto) ay isa na sa mga visitas ng Kumbento ng Malolos.

Paglipat sa Ikatlo at kasalukuyang lokasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula sa ikalawang lokasyon sa Barrio Caingin-San Agustin muling inilipat sa kabilang pampang ng Ilog ng Liang noong 1580 sa lugar na tinatawag noon na Calumpang at itinayo gamit ang pawid at kawayan.Pinalakihan sa taong 1589 ni Fray Cristobal Tarique at noong 1599 muling ipinaayos ni Fray Roque de Barrionuevo gamit ang mas matitibay na materyales na kahoy,tabla.

Unang Simbahang Bato

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Taong 1673 sinimulang itayo ni Fray Jaime Balzac OSA ang simbahang gawa sa Bato na ipinagpatuloy nina Fray Ildefonso Tellez 1674, Diego Alday 1675, Jaun de San Nicolas 1680 at ipinagpatuloy hanggang panahon ni Fray Lorenzo de Leon at Andres Ibarra na natapos noong 1700.Muling pinaganda ni Fray Fernando Sanchez noong 1734 at tinapos ni Fray Juan Meseguer noong 1740.Muling pinaganda ni Fray Jose de Vivar noong 1753,ngunit ang Unang Kumbento at Simbahan na yari sa Bato ay nasira ng malaking sunog ng 1813.

Ikalawang Simbahang Bato

Matapos ang sunog noong 1813,muling ipinatayo ni Fray Melchor Fernandez ang simbahan noong 1817,si Msgr Fernandez ay kilalang tagapagtayo ng mga edipisyo at gusali,siya ang nagpatayo ng tulay na bato na nagdudugtong sa Barasoain at Malolos noong 1817, nagdagdag ng arko sa kumbento ng simbahan at naglagay ng Torre de Relos sa kaliwang bahagi ng kumbento.Ang ikalawang simbahang bato ng Malolos ay natapos at nabasbasan noong Oktubre 18,1826 ni Ilmo.Francisco Alban,obispo ng Nueva Segovia.

Noong 1863 ang buong Luzon ay sinalanta ng malakas ng Lindol, ang Kumbento ng Malolos ay naipatayo ni Fray Fernandez ay nasira.Muling ipinayos ni Fray Ezequiel Merino na tumagal hanggang 1872.Muling sinira ng isa pang malakas na lindol noong 1880 at ipinaayos ng noon ay kura na si Fray Juan Tombo at natapos naman sa panahon ni Fray Felipe Garcia noong 1884.

Papel sa Kasaysayan ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1888, 20 kababaihang taga Malolos na mula sa angkan ng mestisong sangley ang nagpetisyon kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler na noon ay dumalaw sa Malolos.Sinadya ng mga kakabaihan ang Heneral na noon ay nasa kumbento ng Malolos.Sa kabila ng pagtutol ng kura ng bayan sa pangunguna ni Fray Felipe Garcia, napagbigyan ang kahilingan noong 1889.