Katedral ng Modena
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng mas marami pang mga kawing sa iba pang mga lathalain upang matugunan ang mga pamantayan pangkalidad ng Wikipedia. (Pebrero 2014) |
Ang Katedral ng Modena ay inumpisahang itatag noong 1099. Ito ay may tatlong navata* (*salitang italyano na nangangahulugang nahahati sa tatlo ang panloob ng anyo) mula sa orihinal nito na lima. Ang Katedral na ito ay pag-alala sa patron ng bayan na si Santo Geminiano arsobispo ng bayan (342–398). Noon pang 1106 ay tapos na ang presbiterio* ng simbahan (*lugar ng simbahan kung saan naroon ang altar na nakariserba sa pari) kung saan ilalagak ang mga labi ng naturang Santo.
Dekorasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang harapan ng Katedral ay may taas na bumabagay sa kanyang laki. Ito ay may harapan na tinatawag na saliente* (linyang oblikwa na nagpapahayag sa unang tingin kung ilang navata meron ang loob ng simbahan). Ang bilugang bintana sa harapan na kung tawagin ay rosone na nalalapit na sa edad gotico ay nadagdag upang magbigay liwanag sa loob ng simbahan. Ang mga pintuan ng Katedral na ito ay nabuksan noong magtatapos na ikalabingdalawang sekolo. Makikita rin ang mga kuwento na nasusulat sa aklat ng Genesis sa bibliya, ang tungkol kay Adan at Eva at tinawag na Batong Bibliya. Ito ay nag-umpisa sa paggawa ng Diyos Ama (nasa loob ng mandorla na may hawak na sagradong kasulatan at sa baba ay dalawang anghel) sa tao: Adan hanggang sa pagbuo kay Eva. Mapapansin na sa parte na ito ang dalawang nilalang ay walang kasarian ito ay sa kadahilanang wala pa ng mga sandaling iyon ang senso ng pagkakasala. Sinundan ito ng kanilang pagsuway sa utos ang hindi pagkain sa ipinagbabawal na prutas. At dito makikita natin na sila ay may kasarian na. Ang kuwento ay nagtapos sa pagkakapatay kay Cain.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.