Katedral ng Viterbo
Itsura
Ang Katedral ng Viterbo (Italyano: Duomo di Viterbo , o Cattedrale di San Lorenzo) ay isang Katoliko Romanong katedral, at ang pangunahing simbahan ng lungsod ng Viterbo, Lazio, gitnang Italya. Ito ang luklukan ng Obispo ng Viterbo at inialay kay San Lorenzo.
Ang simbahan ay isang kahanga-hangang estrukturang Romaniko na itinayo sa burol paaakyat ng lungsod, ngunit wala na ang mga nakamamanghang dekorasyon na kung saan ito ay orihinal na pinalamutian, buhat ng isang maling muling pagtatayo noong ika-labing-anim na siglo.